Nazareno Milyong deboto ang lumahok sa Traslacion 2025 mula sa Quirino grandstand sa Luneta patungong simbahan ng Quiapo sa Quezon Blvd., Sta. Cruz, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Daan-libong deboto siniguro prusisyon ng Itim na Nazareno mapayapa

Jon-jon Reyes Jan 11, 2025
10 Views

Nazareno1NAGING taimtim, maayos, walang aberya at tagumpay sa mga otoridad at mga deboto ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Traslacion 2025 sa kabila ng daan-daang nakilahok dito nitong Huwebes.

Nagsimula ng pasado alas-4:00 ng umaga ang prusisyon ng Itim na Hesus Nazareno kasama ang daang libong deboto sa Traslacion 2025 noong Huwebes.

Ayon sa Manila Public Information Office, mahigit 140,000 deboto na ang nagtipon sa Quirino Grandstand Miyerkules pa lang ng gabi.

Tinahak ng prusisyon ang kahabaan ng Katigbak Drive sa P. Burgos patungong Finance Road sa Taft Avenue pero sandaling nabalahaw ito sa tapat ng Philippine Normal University (PNU) at sa paanan ng Ayala bridge corner Romualdez St.

Naputol ang lubid nito na humahatak sa andas kaya itinulak na lamang ng mga deboto patungo ng Carlos Palanca, Globo De Oro, Arligue, Fraternal at Callejos St.

Bandang alas-4:00 ng hapon ng tumigil ang prusisyon sa harap ng San Sebastian Church para sa pagdungaw ng Poong Hesus Nazareno at Nuestra Senora Del Carmen bago tumungo sa Concepcion Aguila at iba pang dadaanan ng prusisyon

Inaasahan na makakapasok ang prusisyon sa simbahan ng Quiapo bandang alas-10:00 ng gabi bago matapos ang Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.