Romero

Dagdag na pondo para sa social services ikinagalak

Mar Rodriguez Oct 16, 2024
61 Views

BILANG Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, ikinagagalak ni 1-PACMAN Party List. Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang maging hakbang ng Kamara de Representantes para madagdagan ang panukalang pondo upang matulungan ang libo-libong mahihirap at hikahos sa buhay na mamamayan sa pamamagitan ng ipamamahaging social services.

Ayon kay Romero, inaasahan na mas maraming mamamayan na nangangailangan ang matutulungan ng mga ipamamahaging social services dahil sa karagdagang P292.23 bilyon na magmumula naman sa proposed budget.

Sabi ng chairperson ng Committee on Poverty Alleviation na layunin ng hakbang na ito na matiyak na mayroong sapat n supply ng murang pagkain para sa mga mahihirap na mamamayan partikular na ang mga Pilipino na walang maayos na trabaho.

Nagpapasalamat din si Romero sa liderato ng Mababang Kapulungan sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa ipinakitang malasakit at pagsisikap ng Kongreso upang bahagyang maibsan ang kahirapang nararanasan ng maraming mahihirap na mamamayan sa pamamaraan ng ipinamamahaging social services.

Sinabi naman ni AKO Bicol Party List Rep. Elizalde “Zaldy” Co, chairman ng House Committee on Appropriations, na ang nabanggit na pondo (P292.23 bilyon) ay bukod pa sa P591.8 bilyon na inilaan naman ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP) na pinagbabasehan ng inaprubahang General Appropriations Bill (GAB).