DOLE

Dagdag sa minimum na sahod sa iba’t ibang rehiyon ipatutupad ngayong buwan

247 Views

NGAYONG buwan ng Hunyo maipatutupad ang lahat ng pagtaas sa minimum na sahod sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DOLE nagsimula na ang bagong minimum na sahod sa National Capital Region (P533 hanggang P570), Western Visayas (P410 hanggang P450), Ilocos Region (P372 hanggang P400), Caraga Administrative Region (P350), Cagayan Valley (400 hanggang 420), SOCCSKSARGEN (P347 hanggang P368), Mimaropa (P329 hanggang P355), Cordillera Administrative Region (P400) at Central Visayas (P382 hanggang P435).

Pitong rehiyon pa ang magpapatupad ng pagtaas sa nalalabing bahagi ng buwan.

Ito ang Bicol Region (magiging P365), Northern Mindanao (magiging P378 hanggang P405), Davao Region (magiging 438 hanggang 443), Central Luzon (magiging P344 hanggang P460), Zamboanga Peninsula (magiging P338 hanggang P351), Eastern Visayas (magiging P345 hanggang P375), at Calabarzon (magiging P350 hanggang P470).

Magkakaiba ang minimum na sahod sa bawat rehiyon.

Ang daily minimum wage sa isang rehiyon ay magkakaiba depende sa lokasyon, kung ito ay nasa sektor ng agrikultura o hindi, at kung ilang empleyado mayroon ang isang kompanya.