Calendar
Dahil sa El Niño bagyong dadaan sa PH kokonti—PAGASA
DAHIL sa El Niño phenomenon ay inaasahang mas konti ang papasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mula sa kalimitang 18 hanggang 21 bagyo kada taon, ngayong 2023 ay inaasahang bababa ito sa 11 hanggang 14 na bagyo.
Inaasahan din umano na hindi dadaan sa kalupaan ang karamihan sa mga bagyong ito dahil sa high-pressure area na magtutulak sa bagyo na tahakin ang direksyon pa-silangan.
Maaari umanong maging normal pa ang dami ng ulan sa buwan ng Hunyo at Hulyo kaya kailangan ng mag-imbak ng tubig.
Inaasahan naman na mas kokonti na ang ulan simula Agosto.
Asahan din umano na mas magiging mainit ang ‘ber’ months kumpara sa mga nagdaang taon.