Kiko

Dahil sa rant sa socmed, Rep. Kiko pwedeng masuspende

Mar Rodriguez Jan 30, 2026
161 Views

π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—žπ——π—”π—‘π—š talakayin ng House Committee on Committee Ethics simula sa Pebrero 3 ang panawagan na muling suspendihin si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barazaga dahil sa mga panibagong post sa FB ng mambabatas.

Ito ang sinabi ni 4Ps Party List Rep. JC M. Abalos.

Dahil dito, umaasa si Abalos na makikipag-cooperate si Barzaga sa nasabing pagdinig kung saan tiniyak din ni Abalos na mahigpit nilang ipatutupad ang alituntunin ng Komite upang maging maayos ang proseso ng gagawing pagdinig.

Ang pahayag na ito ni Abalos ay tungkol sa sinabi ni Barzaga sa kaniyang Facebook post na hindi nito sisiputin ang pagdinig ng Ethics Committee.

Sa privilege speech naman ni Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano, binatikos nito si Barzaga tungkol sa mapanirang post nito kaugnay sa kaniyang akusasyon.

Sinuhulan umano ng mga negosyante at bilyonaryong si Enrique Razon ang mga miyembro ng National Unity Party (NUP) para suportahan ang speakership ni dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Repr. Ferdinand Martin G. Romualdez.

Naghain naman ng mosyon si House Deputy Majority Leader at 1-Rider Party List Representative Rodge Gutierrez para pahintulutan o bigyan ng awtorisasyon ang House Committee Committee na talakayin ang apela ni Valeriano na muling patawan ng parusa si Barzaga.