Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
BBM Source: File PNA photo

Dahilan umano kung bakit galit si Sara kay Speaker ‘nabulgar’ sa socmed

33 Views

KUMAKALAT ngayon sa ilang social media post ang dahilan daw bakit galit na galit si VP Sara Duterte kay Speaker Martin Romualdez.

Sa X post ni @ Laitera, na higit 600,000 na ang nakabasa at may 3,300 likes, sinabi nito na taong 2023 nagsimula ang lahat ng tangkain umano na agawin ni dating Pangulong Gloria Arroyo, na noo’y Senior Deputy Speaker, ang pagiging Speaker ni Martin Romualdez.

Ang dahilan aniya ay para patalsikin si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng impeachment para ipalit si VP Duterte.

Ayon naman kay @nicodavid .dds sa X post nito “ng hindi magtagumpay ang balak ni GMA dahil sinibak ito bilang Deputy Speaker ni Romualdez, dito na nagalit si Sara kay Speaker Romualdez at bumitiw na sa Partidong Lakas”.

“Dito na rin umpisang tawagin ni Duterte pati mga kaalyado niyang vloggers na tambaloslos si Romualdez”, dagdag pa ni @nicodavid.dds

Sa Facebook post naman ng sa totoo lang page sinabi nito na lalong nagalit si VP Sara kay Romualdez ng imbestigahan ng Kongreso ang P125 million confidential at intelligence fund ng Office of the Vice President na hanggan ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag ni Inday Sara.

Pati si Pangulong Marcos ay nadamay na rin sa galit ni VP Duterte kasabay ng kanyang mga patutsada na mahinang pinuno si PBBM.

Tingin ng ilang political analysts kung hindi umano nag-ambisyon si VP at GMA ng mataas na pwesto noong nakaraang taon, marahil ay wala itong away sa politika ng dalawang grupo.

Nang subukang hingan ng panig, no comment ang parehong grupo hinggil sa inilabas ng mga vloggers na dahilan ng away ng kampo ni VP at Speaker.