DOLE

Daily minimum wage sa Northern Mindanao may dagdag

205 Views

INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dalawang bagsak na dagdag sa minimum na arawang sahod sa Northern Mindanao region.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ipinalabas ng RTWPB ang Wage Order No. RX-21 magpapatupad ng P25 dagdag sa daily minimum wage kapag naging epektibo na ang utos.

Sa Disyembre 16, 2022 ay magdaragdag muli ng P15 hanggang P22.

Kapag naipatupad na ang dalawang bahagi ng pagtataas, ang magiging minimum sa Northern Mindanao Region ay P405 para sa non-agriculture sector at P393 sa agriculture sector.

Nasa 200,000 empleyado umano sa rehiyon ang magbebenepisyo sa taas-sahod.