Nograles

Dalawang kongresista nagsulong ng panukalang batas para patawan ng mabigat na kaparusahan ang nasa likod ng talamak na tobacco smugling

Mar Rodriguez Nov 16, 2022
184 Views

Parusa sa mga nasa likod ng tobacco smuggling isinulong

NAIS ng dalawang kongresista na patawan ng mabigat na kaparusahan ang mga tao o sindikato na nasa likod ng talamak na “tobacco smuggling” sa bansa na maituturing na isang “economic sabotage”.

Nagsanib puwersa sina Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party List Cong. Margarita Ignacia B. Nograles at Presidential son – Ilocos Norte Cong. Alexander “Sandro” A. Marcos sa pagbabalangkas ng isang panukalang batas para mapatawan ng mabigat na kaparusahan ang mga sangkot sa “tobacco smuggling” na nagpapalugmok ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Nograles na sa ilalim ng House Bill No. 3917 na isusulong nila sa Kamara de Representantes. Aamiyendahan nito ang Republic Act. No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Ipinaliwanag din nina Nograles at Marcos na nakasaad din sa inihain nilang panuakalang batas ang pagkakasama ng tobacco bilang isa sa mga “agricultural products” na nakapaloob sa RA No. 10845. Kabilang din dito ang pagpapataw ng parusa sa ilalim din ng RA No. 10845 sa aspeto ng “smuggling” ng mga produktong tobacco.

Ipinahayag pa ng dalawang mambabatas na layunin din ng kanilang panukala na amiyendahan ang Section 3 ng RA No. 10845 upang mapasama ang tobacco smuggling tulad ng cigars, cigarettes o heated tobacco bilang isang uri ng economic sobatage na may katumbas na parusang life imprisonment o habang-buhay na pagkakabilanggo.

Sa sponsor speech ni Nograles sa Plenaryo ng Mababang Kapulungan, sinabi nito na ang tobacco farming ay nanananatiling pangunahing kabuhayan ng nakararaming Pilipinong magsasaka sa kabila ng pagtaas ng “exise tax” para sa pagbebenta ng produktong tobacco.

“The tobacco industry is a common source of income for many Filipinos. This contributes to around 516,000 labor force in 2019 and around 2.2 million Filipinos generated earnings from the industry. The significant impact was it accounts for 6% of tax revenue in 2020 and 58% of so-called sin tax receipts are being to finance the national budget including the universal health care result in 8 million more low income families,” sabi ni Nograles.