ISPs Source: PNA file photo

Dapat ISPs service malawak–Sen. Poe

32 Views

NANAWAGAN si Sen. Grace Poe sa mga internet service providers (ISPs) at cable TV operators na palawakin pa ang serbisyo upang matiyak na may access ang bawat Pilipino sa mabilis, maaasahan, at abot-kayang internet.

“In an archipelagic country consisting of 7,641 islands and a population of roughly 110 million, 60% of which live in the coastal zones, digital connectivity is imperative to conquer our physical disconnection,” paliwanag ng senadora.

Idinagdag niya na ang digital inclusion mahalaga upang maisulong ang pagkakapantay-pantay sa lipunan.

“Digital inclusivity can lead to socio-economic inclusivity. And social inclusivity can lead to greater prosperity, increased well-being and progressive communities,” saad niya.

Tinukoy ni Poe ang ulat ng World Bank na nagpapakita ng mas mababang fixed broadband access sa Pilipinas kumpara sa ASEAN average at mas mataas na singil para rito.

Ayon sa kanya, “the state of internet service in the Philippines shows there is a big room for improvement when it comes to accessibility, affordability, and reliability.”

Tiwala ang senador na may kakayahan ang bansa na baguhin ang mga datos na ito sa tulong ng inobasyon at pagtutulungan ng pribadong sektor at pamahalaan.

“I am confident, however, that those statistics can improve. We need the private sector to provide the entrepreneurial spirit,” giit niya.

Bilang dating chairperson ng Senate Committee on Public Services, binigyang-linaw ni Poe na isinusulong niya ang mga batas na may layuning palakasin ang digital infrastructure.

Kabilang dito ang Better Internet Act, Free Internet Access in Public Places Act (RA 10929) at ang amyenda sa Public Services Act (RA 11659) na naglalayong paluwagin ang pagpasok ng dayuhang pamumuhunan sa sektor ng telekomunikasyon.

Isinusulong din niya ang Senate Bill No. 864 o ang Open Access in Internet Act upang mapabilis ang proseso sa accreditation ng mga provider at itaguyod ang karapatan ng mga end users.

Ipinunto rin ni Poe na sinuportahan niya ang pagbibigay ng prangkisa sa mga kumpanya tulad ng Streamtech Systems Technologies, Pipol Broadband, Reliance Broadcasting Unlimited at Radius Telecom.

Para sa kanya, kailangang suriin ng mga provider kung paano makatutulong ang teknolohiya sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

“Cable and internet service providers should ask themselves how technology can be used to improve the life of an ordinary Filipino,” ani Poe.