Calendar
DAR target gawing sexy pagsasaka para maraming maeengganyo
TARGET ng Department of Agrarian Reform na gawing “sexy” ang pagsasaka sa bansa.
Ito ay para maakit ang mga batang Filipino na pumasok sa pagsasaka.
Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella na para mahikayat ang mga kabataan sa pagsasaka, gagamitin ng pamahalaan ang nilagdaang Executive Order 75 ni Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng EO, bibigyan ng gobyerno ng tatlong ektaryang lupa ang mga nakapatos ng apat na kurso sa kolehiyo na may kinalaman sa agrikultura.
Saklaw din aniya ng EO ang mga dating rebelde na nagablik loob sa gobyerno at mga retiradong personnel ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
“Sasagutin ko iyan ng tunay na sagot. Lets make agriculture sexy again. We have to encourage the young people to go into it. We lure them by EO 75. government owned lands ipapamigay sa tatlo priority under sa batas,” pahayag ni Estrella.
Kinakailangan lamang aniya na magtungo sa regional director ng DAR para magpalista at makakuha ng libreng lupa.
Ayon kay Estrella, magiging sexy ang pagsasaka sa pamamagitan ng MARCOS program o Modern Agrarian Reform Community Organized Settlement program.
Sa ngayon, sinabi ni Estrella na maraming kabataan na ang nabigyan ng libreng lupa.