Darren Larawan mula sa IG/@darrenespanto at @mariestellar

Darren pinuna suot ni Maris sa Christmas Station ID

256 Views

INOKRAY ng singer-actor na si Darren Espanto ang kanyang ‘Can’t Buy Me Love’ co-star na si Maris Racal dahil sa isinuot nito sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Sa kanyang X account, nagbigay komento si Darren sa bonggang dress na suot ni Maris sa shoot.

Sa larawan makikitang lumutang ang aktres dahil sa suot-suot nitong red formal dress habang ang ibang ABS-CBN artists ay makikitang casual attire lamang ang suot.

“Christmas ID pinunta namin, yung @MissMarisRacal naka pang Christmas Special na agad agad sa suot,” sey ni Darren kay Maris.

Sumagot naman ang aktres sa sinabi sa kanya ng singer-actor.

“Hindi ko nabasa na casual attire lang pala,” pahayag naman ni Maris.

Naaliw naman ang ilang netizens sa pang-ookray ni Darren sa kanyang co-star.

“Yung friend mong bida bida.”

“Pang-chinese new year ata ‘yan, hindi pang-christmas. Hahaha! Pero kabog, ah.”

“Si ate maris talaga ayaw pa kabog eh no. Pang Christmas party na Ang outfit.”

“Hahaha…natawa talaga ako sa banat ni D Kay maris. Gwapo mo talaga D.”