Calendar

Darwin Sia iprinoklamang nagwaging konsehal ng Maynila
IPRINOKLAMA na ng Manila City Board of Canvassers sa Arroceros, Manila si Manila 2nd District si Councilor Darwin “Awi” Sia bilang nagwaging konsehal noong Lunes.
Iprinoklama siya makaraang bawiin ng Commission on Election (Comelec) en banc ang iniutos na suspensyon sa proklamasyon ni Sia bilang nagwaging konsehal ng ikalawang distrito dahil sa ginawang pagkansela ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) nang hindi ilagay dito na nahatulan siya sa pagnanakaw ng kuryente.
Kinatigan ng Korte Suprema noong Marso 20, 2025 ang hirit ni Sia na Temporary Restraining Order (TRO) na nag-aatas sa Comelec na itigil ang pagkansela sa kanyang COC bilang kandidato sa pagka-konsehal.
Nagpasalamat naman sa Diyos si Sia pati kay Manila Mayor-elect Isko Moreno Domagoso sa malaking tulong na nai-ambag sa kanya.
Si Councilor Sia ay nasa ikatlo at huling termino na ng panunungkulan bilang konsehal.