Bersamin

Dating CJ Bersamin itinalagang Executive Secretary ni PBBM

257 Views

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Chief Justice Lucas Bersamin bilang Executive Secretary.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nanumpa si Bersamin kay Pangulong Marcos ngayong Martes, Setyembre 27.

Si Bersamin ay nagtapos sa University of the East College of Law at naging hukom sa Quezon City Regional Trial Court judge bago na-appoint sa Court of Appeals nooonhg 2003.

Siya ay itinalaga sa Korte Suprema ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2009.