Calendar
Source: PDEA RO IX
Dating kawal huli sa P27.2M drogang ipinagbabawal
APAT na kilo ng shabu na may halagang P27.2 million ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang dating kawal na naging ‘high-value target’ sa Mindanao nitong nakaraang Martes. Ayon kay PDEA Director General, Undersecretary Isagani R. Nerez.
Kinilala ng opisyal ang nadakip na suspek sa alyas lamang na ‘Badri,’ isang 52-anyos na dating sundalo na naging negosyante mula sa Labangan, Zamboanga del Sur.
Ayon kay Undersecretary Nerez, pinangunahan ng mga operatiba ng PDEA Zamboanga del Sur Provincial Office ang buy-bust operation sa Barangay Canelar, Zamboanga City nitong Martes ng umaga.
Katuwang ng local na PDEA ang mga ahente ng ang Armed Forces of the Philippines’ Task Force ZamBoanga at Zamboanga City Police Office at Police Regional Office 9 Regional Mobile Force Battalion sa ilalim ni Brigadier Gen. Eleazar P. Matta sa isainagawang operasyon.
Nasamsam mula sa suspek ang apat na vacuum-sealed na pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 4,000 gramo. Ang mga nakumpiskang droga ay nakabalot sa Chinese tea at Guanyinwang-labeled packaging, na karaniwang ginagamit ng mga sindikato sa kalakalan ng ilegal na droga.
Kabilang din sa nakumpiska ang isang Nissan Navarra, boodle money na may halong totoong ₱1,000 bills, mga cellphones at iba pang personal nap ag-aari ng suspek.
Nahaharap na sa ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang pagi-ingat at pagbebenta ng droga ay may kalakip na parusang panghabambuhay na pagkabilanggo at multa na hanggang P10 milyon kapag napatunayang nagkasala ng korte.

