Danny Lacuna

Dating Manila VM Lacuna pumanaw sa edad na 85

Edd Reyes Aug 14, 2023
90 Views

PUMANAW na si dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna sa edad na 85.

Kinumpirma ito ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa isang Facebook post. Ang kasalukuyang alkalde ng Maynila ay anak ng dating vice mayor ng lungsod.

“It is with immeasurable sadness that we announce the death of Hon. Danilo Bautista Lacuna, Former Vice Mayor of Manila,” sabi ng kasalukuyang alkalde ng lungsod.

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating life which spans further than just his hears and into the hearts of us all qhere he will remain forever,” dagdag pa ng alkalde.

Naulila sa pagpanaw ng dating bise alkalde ang kanyang misis na si Melanie at limang anak.

Si Danilo Lacuna ay nagsilbing konsehal ng Maynila mula 1968 hanggang 1975, at bise alkalde mula 1970 hanggang 1971; 1988 hanggang 1992; at 1998 hanggang 2007.

Siya ang nagtayo ng partidong Asenso Manileño na partido nina dating Mayor Isko Moreno at kanyang anak na si Mayor Lacuna.