Garcia1 Si Prudencio Garcia, presidente ng Mekeni Foods Corporation, habang nagpapaliwanag kung paano lumaki ang kanilang negosyo. GIL AMAN

Dating small time, big time business na

Gil Aman Nov 14, 2025
202 Views

SIMULA ng pumasok sa Philippine market, nakarating na sa 20 bansa ang mga produkto ng Mekeni Foods Cotp.

Ito ang ipinagmamalaki ni Prudencio “Pruds” Garcia, presidente ng kompanya, dahil sa bagong mga prudukto na pasok sa panlasa ng mga Pilipino maging ang mga banyaga.

Ayon kay Garcia, ang dating street foods na kikiam, fishball, squid balls na patok sa mga mga bangketa ang hinahanap na rin sa ibang bansa dahil sa masarap na timpla.

Idinagdag pa sa kanilang produkto ang sausage na pinakabago ng kanilang produkto.

Nagumpisa lamang sa maliit na negosyo, lumawak na sila sa 1,600 na mga empleyado sa 23 ektaryang planta sa Porac, Pampanga.

Ipinagmalaki ni Prudencio sa mga mamahayag na kanilang inimbitahan mula sa CALABARZON ang mga produktong kanilang ginagawa.

“Every product we make tells a story — of family, hard work, and heart,” sabi niya.

“From our humble beginnings in Porac, Pampanga to becoming one of the country’s leading food companies, we’ve always believed that success is sweeter when shared with the community,” dagdag pa niya.