Rep. Villar

Dating SP Manny Villar todo suporta para sa kaniyang “unica-hija”

Mar Rodriguez May 11, 2025
21 Views

Rep. Villar Rep. VillarNAGPAHAYAG ng “all-out” suporta si dating Senate President Manny Villar para sa kaniyang unica-hija” na si Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar.

Sa naging pagtatapos na siyam-na-pung araw na campaign sortie ng lahat ng mga kandidato ng APBP, personal na nagpakita si dating senador Villar para lalo pang palakasin ang buong suporta ng pamilya Villar para kay Camille kasunod ang kaniyang paki-usap sa mga botante.

“Si Camille, sa ano mang aspeto, hindi tayo mapapahiya dito. Nag congresswoman, Deputy Speaker kaagad. Sa talino, wala tayong masasabi. Sa mga nagawa, wala tayong masasabi. Sa pagandahan. Lalo tayong walang masasabi,” pahayag ni dating SP Villar.

Sa kaniyang mensahe, muling inilatag ng batang Villar (Camille) ang kaniyang mga naging achievements sa ilalim ng 19th Congress. Kabilang na dito ang mga inihaing panukalang batas sa Kongreso.

Kaugnay nito, nakuha din ni Villar ang buong suporta naman ng malaking pamilya ng mga politiko sa Bukidnon sa pangunguna ni Sen. Juan Miguel “Migs” Zubiri kasama na si Bukidnon Governor Oneil Roque.

To God be the Glory