Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Rep. Villar

Dating Yorme Isko Moreno inendorso si Villar sa political rally sa Maynila

Mar Rodriguez May 8, 2025
18 Views

Rep. VillarINENDORSO at sinusuportahan ni dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno ang tinaguriang millennial senatorial candidate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) na si House Deputy Speaker Camille A. Villar sa ginanap na campaign rally nito sa Paco, Manila kung saan dinagsa ng napakaraming supporters ang naturang pagtitipon.

Ang idinaos na political rally ni Moreno kasama ang kaniyang buong slate para sa lokal na posisyon ay tinaguriang “Yorme’s Choice” na tumutukoy sa kaniyanv line-up kabilang na dito ang kaniyang running mate na si Vice Mayoralty candidate Chi Atienza, 5th Dist. congressional aspirant Amado Bagatsing at ang buong line-up para sa konsehal.

Hayagan namang binanggit ni Yorme Moreno si Villar bilang isa sa kaniyang mga senatorial candidate para sa nalalapit na May 12 mid-term elections.

Binanggit ng dating mayor sa kaniyang libo-libong supporters na dumalo sa ginanap na political rally na karapat-dapat si Villar na maisama sa kanilang listahan bilang isa sa labing-dalawang kandidato na kanilang iboboto sa darating na halalan.

Pagbibigay diin ni Moreno ang mga achievement na nagawa ni Villar sa ilalim ng kaniyang termino bilang kongresista ng Las Piñas. Kasama na dito ang mga programa at adbokasiya na isinulong nito sa Kamara de Representantes.

“Puwede ba nating isingit sa labing-dalawa ang ating senador. Camille Villar?” sabi ni Moreno sa harap ng kaniyang mga supporters.

Tiniyak naman ni Villar sa mga Manileño ang suporta para sa kanila sa pamamagitan ng pagsuporta nito sa mga maliliit na negosyo, murang pabahay at women’s empowerment.

To God be the Glory