Louis Biraogo

Daungan sa Batanes: Matatag na paghahanda ng magka-alyadong Pilipinas at Estados Unidos

237 Views

SA kalawakan ng mga laro sa heopolitika, kung saan ang mga bansa ay nagsisikap para sa pangingibabaw at kapangyarihan, isang maliit na bansang isla ang naglakas-loob na kumilos, nagpayanig sa buong rehiyon. Ang Pilipinas, sa kamakailan na pahayag tungkol sa pagpapaunlad ng isang daungan sa Isla ng Batanes na tutustusan ng Estados Unidos, ay nagtulak sa bansa sa gitna ng isang nagbabadyang unos, sinasalungat ang marahas na paninindigan ng China sa South China Sea.

Sa anino ng tunggalian na nagbabadya sa abot-tanaw, ang Pilipinas ay nagpaunlad sa estratehikong kalagayan nito, pinalakas ang mga depensa at pinatitibay ang mga pakikipag-alyansa nito. Ang desisyon na gamitin ang nakaplanong daungan sa panahon ng mga krisis, kabilang ang mga pagsisikap sa pagtugon sa kawanggawang pangangailangan at kalamidad na mga sakuna, ay nagpapakita ng pagtutok ng Pilipinas sa pagtatanggol ng kanyang teritoryo at sa pagtitiyak ng kaligtasan ng kanyang mga mamamayan.

Ang pagsisiwalat ni Gobernador Marilou Cayco ng mga plano para sa daungan, kasama ang direktiba ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na palakasin ang kinalalagyan ng militar sa Isala ng Batanes, ay binibigyang-diin ang pagpupunyagi ng bansa na manindigan nang matatag laban sa anumang banta sa soberanya nito. Ang pagtutulungan sa pagitan ng militar ng Pilipinas at ang kanilang mga kaalyado sa Estados Unidos ay nagpapalakas pa sa kapasiyahan ng Pilipinas na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa maaaring mga mananalakay.

Sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China, hindi masasabi kung gaano kahalaga ang Batanes Island sa bansa. Matatagpuan 200 kilometro lamang mula sa Taiwan, ang Batanes ay nagsisilbing isang estratehikong pwesto kung sakaling magkaroon ng labanan sa loob ng kipot-dagat. Ang mahigpit na pagtutol ng gobyerno ng China sa pagpapalawak ng militar ng Pilipinas sa isla ay isang patunay ng pagkilala nito sa mahalagang papel ng Batanes sa rehiyon.

Ang babala ng China sa Pilipinas, na sinasabing “naglalaro ng apoy” sa pamamagitan ng pagpapalalim ng ugnayan sa militar ng Estados Unidos, ay nagpapakita lamang ng kanilang kawalang-kasiguruhan at agresibong pagpapalawak na takda nito. Ang mga kamakailang pangyayari ng pagsalakay ng China laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa mga pinagtatalunang teritoryo ay nagpapakita rin ng kanilang walang-pakundangang paglabag sa pangdaigdigang batas at soberanya.

Gayunpaman, hindi pumapayag ang Pilipinas na takutin. Ang panawagan ni Vice-Admiral Toribio Adaci na palakasin ang mga depensa laban sa maaaring pagsalakay ay umaalingawngaw sa hindi natitinag na pangako ng bansa sa pangangalaga sa teritoryo nito. Sa kabila ng mga pagtatangka ng China na takutin at pilitin, nananatiling matatag ang Pilipinas sa kanyang kapasyahan na igiit ang kanyang mga karapatan at ipagtanggol ang kanyang kapakanan.

Kailangang kilalanin ng pangdaigdigang pamayanan ang kabigatan ng mga pangyayari sa South China Sea. Sa paninindigan ng Pilipinas laban sa pananalakay ng mga Tsino, ang mga nakasalalay ay hindi kailanman naging mas mataas pa. Bilang isang kaalyado sa kasunduan (treaty) ng Pilipinas, ang Estados Unidos ay dapat na maging handa na panindigan ang pangako nito at tumulong sa kaalyado nito sakaling magkaroon ng anumang pagsalakay.

Hindi tulad ng Ukraine, hindi magagamit ang Pilipinas bilang isang simpleng taya o pawn sa heopolitikal na laro. Ang kasunduang pang-defensa (defense treaty) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay nagpapatunay na ang anumang paglusob sa teritoryo ng Pilipinas ay magkalabit ng pagtugon mula sa kanilang kaalyado. Sa gayon, anumang pagtatangka ng China na paigtingin ang tensyon o lusubin ang soberanya ng Pilipinas ay haharapin ng matinding pagtutol.

Sa harap ng mga pagsubok, ang Pilipinas ay mananatiling matatag, isang tanglaw ng pag-asa para sa mas maliliit na bansa na humaharap sa banta ng pagsakop ng mas malalaking kapangyarihan. Ang daungan na tinutustusan ng Estados Unidos sa Isla ng Batanes ay hindi lamang sagisag ng pagpapaunlad ng imprastruktura kundi pati na rin ng pangako ng Pilipinas na ipagtanggol ang kanilang teritoryo at ipagtanggol ang kanilang mga mamamayan sa anumang pangyayari.

Habang patuloy na umiihip ang hangin ng kawalan ng katiyakan sa rehiyon, isang bagay ang nananatiling malinaw: hindi aatras ang Pilipinas sa harap ng pananalakay ng China. Sa suporta ng mga kaalyado nito at sa pamgako ng mga mamamayan nito, ang Pilipinas ay patuloy na tatayo bilang balwarte laban sa paniniil at pang-aapi, na nagtitiyak ng mas maliwanag at mas ligtas na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.