David kumita ng P50M sa negosyo’t showbiz

Vinia Vivar Mar 17, 2025
16 Views

Napa-sana all na lang ang netizens nang i-reveal ni David Licauco na kumita siya ng P50 million sa loob ng isang taon dahil sa kanyang pag-aartista at mga negosyo.

Na-interview ang Kapuso actor kamakailan sa “Iskul of Diskarte,” online series na tumatalakay sa success stories ng business owners.

Ipinost ni David sa Instagram ang bahagi ng video interview at dito ay mapapanood na natanong siya kung magkano ang pinakamalaking kinita niya sa isang taon sa negosyo at showbiz.

“Ang hirap ng tanong mo pare ah,” natatawang sagot ni David. “Gusto mong hulaan?” sey pa niya sa interviewer na si Eiron Valdez.

Ten million ang unang hula ng interviewer pero ani David ay higher daw.

Sa P30M, higher pa rin daw.

“P50 (million)?” tanong ni Valdez.

“Somewhere (there),” sey ni David.

As we all know, bukod sa pag-aartista ay nasa food and beverage business din si David. May tatlong branches na ang kanyang Korean-style fast food na Kuya Korea, habang dalawa naman ang branches ng kanyang restaurant na Sobra Cafe. Mayroon din siyang construction business.

Ibinahagi ng aktor ang challenges na nararanasan ng isang negosyanteng tulad niya. Isa na nga rito ay ang paghahanap ng tamang tao na makakatulong niya sa negosyo.

“Ito actually ‘yung pain point ko sa pagnenegosyo, especially now na ‘yung showbiz ko is up there and business ko is going up also. Before kasi, I was used to doing everything. Halos lahat, ako — marketing, operations, finance, kausap ng suppliers, purchasing.

“But now, of course, I’m in this macro state na I have to start delegating and it’s been a problem of mine kasi medyo perfectionist ako. I tend to micromanage, so what I’m trying to learn is become a leader,” paliwanag ng tinaguriang Pambansang Ginoo.

Inulan naman ng positive comments ang interview mula sa followers ni David at hangang-hanga sila sa aktor.