Calendar
David sa pakikipagrelasyon kay Barbie: If it happens, it happens
Nilinaw ni David Licauco na hindi siya nakikisakay sa breakup nina Jak Roberto at Barbie Forteza.
Matatandaan kasing pagkatapos ng announcement ni Barbie about the breakup last January ay nag-post si David ng solo picture na tila nagpapahangin sa beranda at nilagyan niya ng caption na “chill lang.”
Nag-viral ang post niyang ito at inakala ng marami na may kinalaman ito sa JakBie breakup.
Sa panayam ni David sa Toni Talks vlog ni Toni Gonzaga ay natanong sa kanya kung ano nga ba ‘yung post na ‘yun.
“Some people think na I’m riding on the breakup. Tapos bina-bash ako ng mga tao sa comments saying na parang ‘si David ang dahilan,’” simulang paliwanag ng aktor.
“Sabi ko, ‘ah, okay.’ Post lang ako ng picture na ‘chill lang.’ Pero kasi ‘yung ‘chill lang’ na caption, kina-caption ko rin siya sa previous posts ko. So hindi naman talaga siya…,” aniya.
“Wala lang naman akong magawa that day,” natatawa pa niyang sabi.
Paglilinaw ni Toni, “Hindi connected ‘yun doon (sa breakup)?”
Paglilinaw ulit ng aktor, “Hindi connected ‘yun doon, definitely.”
Sa tanong kung open siya sa posibilidad na makipagrelasyon sa kapwa artista, sagot niya, “Non-showbiz talaga but I’m not closing my doors. Baka mas maintindihan ng katrabaho mo.”
Inamin naman niyang nakipag-date na rin siya sa isang showbiz personality.
“I dated someone from showbiz pero hindi siya umabot sa relasyon talaga. I haven’t dated anyone from showbiz since I got to showbiz,” he said.
Nang tanungin naman siya tungkol sa ideal girlfriend, gusto raw niya ay maputi na hindi masyadong chinita.
Pagdating sa ugali, gusto niya ng “genuinely nice, someone who’s in touch with life, present, caring and understands my job and emotionally stable.”
Natanong din kung pressure ba para sa kanya na inuudyukan sila ni Barbie na maging sila na lalo ngayong pareho silang single, sagot ni David, “It’s a bit pressuring pero ‘di ko naman siya iniisip as negative. Siguro for me, if it happens, it happens.”