Phivolcs

DavOcc niyanig ng magnitude 4.2 lindol

128 Views

Niyanig ng magnitude 4.2 lindol ang Davao Occidental umaga ng Hunyo 14.

Naramdaman ang lindol alas-2:49 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang epicenter ng lindol ay 12 kilometro sa silangan ng bayan ng Don Marcelino at may lalim itong 29 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang Intensity IV sa Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL at Intensity II sa Jose Abad Santos, DAVAO OCCIDENTAL; at Malungon, SARANGANI.