De Lima

De Lima: Duterte dapat kabahan

Mar Rodriguez Mar 10, 2024
123 Views

Sa pagdami ng mga Pinoy na pabor sa imbestigasyon ng ICC

DAPAT umanong kabahan si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa huling dalawang survey na nagsasabi na mas maraming Pilipino ang pabor sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kinakaharap nitong crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs ng kanyang administrasyon.

Ito ang sinabi ni dating Sen. Leila de Lima kaugnay ng inilabas na resulta ng survey ng Social Weather Station kamakailan kung saan 56 porsyento ang nagsabi na pabor na sila sa pagpasok ng mga imbestigador ng ICC sa bansa, at ang survey ng OCTA Research kung saan 59 porsyento naman ang nagsabi na sila ay pabor na muling bumalik ang Pilipinas sa ilalim ng ICC. Ang dalawang survey ay isinagawa noong Disyembre 2023.

“In case Duterte missed it, the writing is on the wall. The SWS and OCTA surveys unequivocally convey the overwhelming Filipino sentiment favoring an ICC investigation of the drug war EJKs, even in Mindanao, his supposed bailiwick,” ani De Lima, na nakulong noong panahon ng administrasyong Duterte matapos na tuligsain ang war on drugs.

Ayon kay De Lima marami ang tutol sa war on drugs noong nakaraang administrasyon subalit takot na lumantad ang mga ito dahil sila ay maaaring balikan.