Speaker Romualdez Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Dedikasyon ng pamumuno ni Speaker Romualdez nasa likod ng magandang performance ng Kamara — Villafuerte

35 Views
Rep. LRay Villafuerte
Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte

KINILALA ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang dedikasyon sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaya naging produktibo ang Kamara de Representantes ngayong 19th Congress.

Batay sa datos, naipasa ng Kamara ang halos lahat ng 64 na prayoridad na panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patunay na ang Kamara ay mahalagang katuwang ng Pangulo sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas upang mapaganda ang buhay ng mga Pilipino.

Sinabi ni Villafuerte, dating gobernador ng CamSur at kasalukuyang pangulo ng National Unity Party (NUP), na bukod sa magandang rekord sa paggawa ng mga batas, mahusay ding nagampanan ng Kamara—sa ilalim ng pamamahala ni Romualdez—ang congressional oversight function nito upang masiguro ang pananagutan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto, lalo na ang naglalayong pagandahin ang buhay ng mga mahihirap at mga nasa laylayan tulad ng mga senior citizen, person with disability (PWD) at solo parent.

Binanggit ni Villafuerte na kinikilala ni Speaker Romualdez ang pagsisikap ng may 307 kinatawan ng Kamara, subalit ang lahat ng napagtagumpayan umano ng Kapulungan ay hindi mangyayari kung wala ang layunin at pagpupursige ng kinatawan mula sa Leyte, na nagsilbing gabay ng Kamara para maipasa ang mga prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos.

“As the Speaker himself has pointed out, the House’s legacy of enormous productivity ‘underscores the pivotal role of legislation in shaping a stronger, more inclusive Philippines,’ which, for me, seals our bigger chamber’s standing as a strategic partner of President Marcos in his vision of a prosperous and peaceful Bagong Pilipinas where no Filipino will be left behind,” ayon kay Villafuerte.

Kaya’t panawagan niya ang mas matatag na pagkakaisa sa pagitan ng Kongreso at Malacañang mula sa bagong taon at sa mga susunod pa, upang maipagpatuloy ang magandang pagtutulungan at pagsisikap ng supermajority alliance na naging susi sa pagpasa ng Kamara sa 61 sa 64 na priority bills na inendorso ng Pangulo sa kanyang mga nakaraang State of the Nation Address (SONA) o tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“Spelling better lives for all Filipinos, as committed by the President, has been, and continues to be, the priority of the 307-strong House of Representatives on the Speaker’s watch, hence the need for greater unity in lieu of political discord,” ayon kay Villafuerte, na siya ring may-akda o co-author ng 47 sa 61 na prayoridad na panukalang batas na naipasa ng Kamara.

Muling iginiit ni Villafuerte ang kanyang buong suporta sa hakbang ni Romualdez na gamitin ang oversight function ng Kamara upang matiyak na sumusunod ang mga establisyemento sa mga batas na nagbibigay ng diskwento at iba pang benepisyo sa mga senior citizen, solo parent at PWDs.

Bilang co-author ng mga batas para sa mga senior citizen at solo parent, sinuportahan ni Villafuerte si Speaker Romualdez sa pagbibigay-babala noong nakaraang taon na hindi mag-atubiling gamitin ng Kamara ang oversight power nito upang pilitin ang mga negosyo na sumunod sa mga batas na nagbibigay ng diskwento at benepisyo sa mga sektor ng mahihirap.

Sinabi ni Villafuerte na ang Kongreso ay umakda ng iba’t ibang batas upang magbigay ng tulong sa mga nakatatanda, solo parent at PWDs dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo, “but these landmark laws on social reform will mean nothing if they are honored more in the breach.”

Noong nakaraang taon, ipinag-utos ni Romualdez ang congressional investigation matapos makatanggap ng mga ulat tungkol sa iba’t ibang paglabag, kabilang na ang patakaran ng coffeehouse chain na Starbucks na naglilimita ng 32 porsiyentong diskwento sa isang pagkain at isang inumin lamang sa bawat pagbisita ng senior citizen o PWD, at ang iniulat na patakaran ng bakeshop na Goldilocks na naglalagay ng limitasyon sa diskwento sa isang piraso lamang ng buong cake na binili.

Sa pamumuno ni Romualdez bilang Speaker, nakapagpasa na ang Kamara ng 1,368 na panukalang batas, kabilang ang 166 na naging mga Republic Act (RA) o mga batas, kung saan 73 ang pambansang batas at 93 ang lokal na batas, ayon kay Villafuerte ng NUP—ang pinakamalaking power bloc sa Kongreso kasunod ng Romualdez-led ruling Lakas-CMD.

Binanggit ni Villafuerte na ang 61 sa 64 na panukalang batas sa Common Legislative Agenda (CLA) na ipinasa ng Kamara, kabilang ang 27 sa 28 na priority bills ng LEDAC, ay nagpapakita ng matibay na suporta ng Kamara sa agenda ng Pangulo para sa Bagong Pilipinas, lalo na sa mga hakbang para sa economic recovery, development at institutional reform.

Si Villafuerte ay may-akda o co-author ng 20 sa 28 LEDAC priority measures na inaprubahan ng Kamara, kabilang ang pito sa 11 na naging batas na, at co-author ng dalawang panukala na nasa bicameral conference committee, pati na rin ng 11 sa 14 iba pang panukalang naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa.

Kabilang sa pitong bagong batas na inakda o co-author si Villafuerte ay ang:

• RA 12009 o ang amyenda sa Government Procurement Reform Act

• RA 12010 o ang Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA)

• RA 12022 o ang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act

• RA 12063 o ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Program

• RA 12065 o ang Archipelagic Sea Lanes Act

• RA 12066 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE)

• RA 12078 o ang Amendments to the Rice Tariffication Law (RTL).

Kasalukuyan namang nakabinbin sa bicam ang dalawang panukala—ang Blue Economy at Amendments to the Foreign Investors’ Long-Term Lease—kung saan co-author din ang mambabatas ng CamSur.

Si Villafuerte rin ay may-akda o co-author ng 11 sa 14 na panukalang batas na naipasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa, kabilang na ang mga sumusunod:

• Reforms to Philippine Capital Markets

• Excise Tax on Single-Use Plastics

• Rationalization of the Mining Fiscal Regime

• Department of Water Resources/National Water Resources

• Amyenda sa Universal Health Care

• Open Access in Data Transmission

• Waste Treatment Technology

• Instituting a National Citizens Service Training (NCST) Program/Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC)

• Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension Reform Bill

• E-Governance

• Amyenda sa Philippine Immigration Act.

Kasama sa mga naunang ipinasang batas na isinulat o co-author si Villafuerte ang mga sumusunod:

• RA 11934 o ang SIM Registration Act

• RA 11935 o ang Postponement of Barangay/SK Elections

• RA 11939 o pagpapalakas sa Professionalism sa AFP

• RA 11953 o ang New Agrarian Emancipation

• RA 11954 o ang Maharlika Investment Fund

• RA 11959 o ang Regional Specialty Hospitals

• RA 11962 o ang National Employment Recovery Strategy (NERS)/Trabaho Para sa Bayan Act

• RA 11964 o ang LGU Income Classification

• RA 11966 o ang Amyenda sa BOT Law/PPP Bill

• RA 11967 o ang Internet Transaction Act/E-Commerce Law

• RA 11976 o ang Ease of Paying Taxes

• RA 11981 o ang Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act

• RA 11983 o ang New Philippine Passport Act

• RA 11985 o ang Revitalizing the Salt Industry Bill

• RA 11985 o ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS)

• RA 12001 o ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA)

• RA 12009 o ang Amyenda sa Government Procurement Reform Act

• RA 12010 o ang AFASA

• RA 12021 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers

• RA 12022 o ang Amendments to the Anti-Agricultural Smuggling Act

• RA 12063 o ang EBET Program.

Ang LEDAC ay isang consultative body na nilikha sa ilalim ng RA 7640 noong 1992 upang magbalangkas at magrekomenda sa Pangulo ng socio-economic development goals at pagtukoy ng mga prayoridad na panukalang batas na dapat ipasa ng Kongreso upang suportahan ang mga layuning ito.

Tiniyak ni Villafuerte sa publiko ang patuloy na suporta ng NUP kay Speaker Romualdez at sa legislative agenda ni Pangulong Marcos sa mga susunod na taon, upang maabot ang kanilang layunin na mapabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino.

Una ng pormal na inihayag ng NUP ang kanilang patuloy na suporta kay Speaker Romualdez hanggang sa pagtatapos ng ika-19 na Kongreso sa 2025, at sa legislative agenda ni Pangulong Marcos hanggang sa pagtatapos ng termino nito sa 2028.

Kumpiyansa si Villafuerte sa mas maginhawang buhay para sa mga Pilipino ngayong 2025 habang isinusulong ni Pangulong Marcos ang socio-economic reform agenda na tututok sa imprastruktura, social protection, at mga programang lilikha ng mas maraming trabaho at tulong pinansyal para sa mga mahihirap.

Sinabi niya na ang ekonomiya ng Pilipinas ay naging isa sa mga pinakamalakas sa Asia-Pacific dahil sa mga polisiya ni Pangulong Marcos mula 2022 na nagpalakas ng kumpiyansa ng mamumuhunan, nagpaunlad ng agrikultura, imprastruktura at lumikha ng trabaho para sa mga Pilipino.