Deepfake ni PBBM isang pananabotahe na nangangailangan ng seryosong aksyon

Mar Rodriguez Apr 30, 2024
113 Views

NAGBABALA ang isang lider ng Kamara de Representantes kaugnay sa panganib na dala ng deepfake technology na magagamit umano sa pananabotahe kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa foreign policy nito.

“It just shows how desperate the opposition is against our president, President Bongbong Marcos, because he is doing a spectacular job in managing our foreign policy to the point that they try to sabotage him and that’s why I feel this should not be taken lightly,” saad ni Lanao del Norte 1st District Rep. Mohamad Khalid Dimaporo sa isang regular na pulong balitaan sa Kamara.

Nanawagan si Dimaporo, na siyang chairman ng House Committee on Muslim Affairs, sa National Security Council at mga kaukulang ahensya na seryosohin ang naturang isyu.

Ang tinutukoy ni Dimaporo ay ang lumabas na audio deepfake ni Pangulong Marcos na tila inaatasan ang Armed Forces of the Philippines na umaksyon laban sa banta ng China sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.

Kailangan din aniya ng agarang aksyon ng lehislatura sa pamamagitan ng pag-amyenda sa batas upang maituring bilang terorismo ang naturang deepfake at mga katulad nito.

Idudulong aniya ni Dimaporo ang mungkahi kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“If there’s a need to amend our laws and declare this type of behavior as a form of terrorism, well then we will refer to our leader here in Congress, our Speaker Martin Romualdez,” sabi niya.

Nakikita naman ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na hindi lang ginagamit ang pag-atakeng ito sa polisiya ng Pangulo kundi para rin magpakalat ng maling impormasyon at ilihis ang atensyon sa mga mahahalagang isyu.

Binigyang halaga ni Adiong ang direksyon ng foreign policy ng Pangulo na nagpapatibay sa pakikipag alyansa ng bansa at hangarin para tugunan ang mga mahahalagang isyu.

Kaya mahalaga aniya na suportahan ang mga desisyon ng Pangulo.

“Iyong ganitong klaseng mga tao, not only sabotaging the President but it disrespects each and every individual Filipino. Wala silang pakialam sa inyo, ang gusto lang nila is masabi kung ano iyong naratipika nila na mali,” giit niya.

Payo naman ni Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Margarita “Atty. Migs” Nograles kailangan maging mapagmatiyag upang hindi maloko at maniwala sa mga deepfake.

“It is alarming na ganito ‘yung nangyari and sa Presidente pa ginawa and it is evidently political thing. We don’t think this is going to be the first or the last. Not just the President. We don’t know who will be next,” ani Nograles, na isa ring abogado.

Binigyang diin ni Nograles ang kahalagahan na maging mapagbantay dahil sa banta ng cybersecurity.

“Let’s be vigilant and be informed that there will be instances, there’s an emerging threat to cybersecurity internationally with the government and even locally,” saad pa ng lady lawmaker. “Huwag tayo maniwala agad-agad sa mga nakikita natin, alamin natin ‘yung totoo.”

Nakikita naman ni 1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez na banta sa national security ang ginawang deepfake ng Presidente.

“We can assume siguro that this is politics, fine, granted. Pero the politics that they are now playing is really threading a fine line with national security concerns,” sabi ni Gutierrez.

Dagdag pa niya “Kasi po ‘yung politics, okay understood, gagawa tayo ng fake news to try to sway votes. But we have to understand someone is listening across the sea —ang ating neighbor, China, which might take seriously na itong deepfake ay talagang totoo and verified.”

“This is a very dangerous prospect. So, I think we really have to take this seriously. This is no longer just politics…This is a new front. This is a new low,” wika pa ni Gutierrez, na isa ring abogado.

Siniguro naman ni Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario sa publiko na may gumagawa ng hakbang ang gobyerno kaugnay ng isyu.

“This particular deepfake is concerning, but again we’re doing all that we can. Our agencies are doing all that they can, and at the same time, the House will also conduct an inquiry into this matter,” paglalahad ni Almario.

Mahalaga rin, ayon kay Almario na maintindihan ang lalim ng bantang dala ng deepfake technology at kung paano makapaglalatag ng epektibong tugon laban sa dala nitong panganib.