Valeriano

DENR, LGUs nakatakdang ipatawag ni Valeriano

Mar Rodriguez Jul 26, 2024
94 Views

Kaugnay sa problema ng basura sa Metro Manila 

NAKATAKDANG ipatawag ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano sa susunod na pagdinig ng Komite ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila para alamin o busisiin ang sitwasyon ng basura, watersheds at contructions sa kanilang nasasakupang lugar.

Ito ang ipinahayag ni Valeriano kasunod ng pagpapatawag nito ng isang “emergency hearing” ng Committee on Metro Manila Development sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Carina na nagdulot ng matinding pagbaha sa National Capitol Region (NCR) na nagdulot ng pagbaha sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Valeriano na nagdulot ng napakatinding pagbaha sa Kalakhang Maynila bunsod ng tuloy-tuloy na malakas na ulan na dala ng bagyong Carina lalo na sa Marikina City, West Riverside sa Quezon City, Mandaluyong City at iba pang mga lugar.

Dahil dito, sinabi ng kongresista na napakahalahang magpaliwanag ang DENR at mga local executives tulad ng mga mayors patungkol sa sitwasyon ng garbage management sa Metro Manila na isa sa mga posibleng dahilan kung bakit nagmistulang dagat ang ilang lugar sa NCR.

Ayon kay Valeriano, matapos nitong ipatawag sa emergency hearing ng Komite ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang susunod naman nitong ipapatawag ay ang mga nabanggit na resource persons (DENR at LGUs) upang talakayin ang issue ng barura, pumping stations at iba pang kahalintulad nito.

Magugunitang sinabi ng mambabatas na mahalagang magbigay ng paliwanag ang MMDA at DENR kung bakit hindi kinaya ng “flood control systems” ang pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Carina lalo na sa Metro Manila.

Muling binigyang diin ni Valeriano na sa gitna ng mga issues na may kinalaman sa naganap na bagyo gaya ng usapin sa basura at iba pa. Kinakailangan pa rin aniya na nakahanda ang MMDA, DENR at LGUs sa mga ganitong scenario para maibsan kahit papaano ang impact ng paparating na bagyo.

“Ang pinaka-mainam na gawin talaga natin dito ay ang maginh handa tayo. That is the best way and we must expect the worst. Dapat matuto na tayo sa mga nagdaang bago gaya ng super typhoon Ondoy at Yolanda,” paliwanag ni Valeriano.