Calendar
DENR na nagpaalaala kasama flood program sa solid waste plan
NAGPAALAALA ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dapat isama ng mga lokal na pamahalaan ang komprehensibong flood risk reduction program sa pagdisenyo ng kanilang solid waste management plan upang maprotektahan ang mga nasasakupan sa epekto ng malalakas na pag-ulan.
Sinabi din ng DENR na mahalagang magsagawa ang mga local government units (LGUs) ng mga proactive measure sa pagresolba ng mga pagbaha sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon sa DENR, kinakailangan magsagawa ng science-based analysis sa pag-assess ng sanhi ng pagbaha lalo na sa gitna ng mga pabagu-bagong weather pattern na naimpluwensyahan ng climate change.
Batay sa meteorological data sa mga nakalipas na dekada, ang climate change ang itinuturong dahilan ng kapansin-pansing pagtaas ng rainfall volume.
Dahil sa pabago-bagong weather pattern, lumalala ang mga hamon na kinakaharap ng mga urban area katulad ng Metro Manila kung saan madalas umapaw ang mga drainage stem kapag sobrang lakas ng ulan na siyang dahilan ng pagbaha.
Kabilang mga estratehiya na iminungkahi ng DENR na maaaring gawin ng mga LGU ay ang pagbutihin ang kanilang mga drainage design, na kung saan isinama ang modern drainage solution na maaaring makayanan ang malaking volume ng ulan, at paghusayin ang kanilang solid waste management, na kung saan kailangang siguruhin na maaaring matanggal ang blockade sa kanilang drainage system na siyang nagpapalala sa pagbaha.
Inirekomenda din ng DENR na kailangan isama ang mga komunidad sa kanilang pagpaplano at pagpapatupad ng mga flood mitigation programs upang mapataas ang kanilang kamalayan at ma-promote ang kanilang katatagan at ang pagpapatupad ng green infrastructure at ibalik ang mga natural water system na siyang sisipsip sa sobrang tubig ulan.
“As we confront the challenges posed by climate change, it is essential to adapt our urban planning strategies to safeguard our communities,” ayon sa DENR.