Sara

DepEd, DSWD sanib-puwersa sa pagtuturo ng pagbabasa

188 Views

ISANG Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development para sa paglulunsad ng “Tara, BASA! Tutoring Program.”

Layon ng programa na maturuan ng mga estudyante sa kolehiyo ang mga early-grade learners na magbasa, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Ginanap ang MOA signing sa Rizal High School sa Pasig City.

“We hope to see more and more Filipinos like you Filipinos who also see that investing in our children is investing in the future,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte layunin ng programa na makabuo ng isang learning community kung saan nagtutulungan ang lahat para maiangat ang antas ng kaalaman ng mga kabataan.

“Join us in a fight, a fight for our children, a fight for our future,” dagdag pa ng kalihim.

Nagpasalamat si Duterte sa DSWD sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian.