DepEd

DepEd pinayagan pagpapatuloy ng blended learning sa pribadong eskuwelahan

Arlene Rivera Oct 17, 2022
332 Views

PINAYAGAN ng Department of Education (DepEd) ang mga pribadong paaralan na ipagpatuloy ang paggamit ng blended learning modality o kombinasyon ng face-to-face classes at distance learning hanggang matapos and school year 2022-2023.

Batay sa DepEd Order (DO) No. 44, series of 2022 na pirmado ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte maaaring hindi sumunod ang mga pribadong paaralan sa full five-day face-to-face classes na sisimulang ipatupad sa mga pampublikong paaralan simula sa Nobyembre 2.

Maaari umanong magsimula ang mga pribadong paaralan ng tatlong araw na face-to-face classes at dalawang araw na distance learning.

Sinabi ng DepEd na maglalabas ito ng bukod na memorandum para sa mga piling pampublikong paaralan na bibigyan ng exemption sa pagbabalik ng full face-to-face classes.