Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
NEDA

Dep’t of Economy, Planning, Dev’t isinusulong

46 Views

ISINUSULONG ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri ang reorganisasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) bilang Department of Economy, Planning and Development (DEPD), na binibigyang-diin ang kahalagahan ng hakbang na ito upang maayon ang mga planong pang-ekonomiya ng bansa sa mga patakaran ng pambansa at lokal na pamahalaan.

“For decades, the NEDA has been at the helm of our economic planning, doing its level best to avert us from economic headwinds and to keep us on course with the tailwinds,” sinabi ni Zubiri sa kanyang sponsorship ng Senate Bill No. 2878, o ang Economy, Planning and Development Act.

“But economic growth cannot be the work of one agency alone. We need a whole-of-government follow-through on our economic plans,” dagdag pa ng dating Senate President.

Layunin ng panukalang DEPD na iangat ang kasalukuyang papel ng NEDA sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng ganap na awtoridad at katayuan bilang isang executive department.

Ipinaliwanag ni Zubiri, na kasalukuyang Chair ng Senate Economic Affairs Committee, na ang pagbabagong ito ay magpapalakas sa DEPD upang maisulong ang pagpapatupad ng mga patakaran pang-ekonomiya sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at makipag-ugnayan nang mas epektibo sa mga dayuhang stakeholder.

“As the Department of Economy, Planning and Development, they will be in a better position to push for the implementation of their economic plans and policies – and they will be able to engage with other government agencies and offices, as well as foreign political actors, with the full standing and command of an executive department,” ani Zubiri.

Binibigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapalakas sa regional development bilang bahagi ng pinalawak na mandato ng DEPD.

“Development has to sprout from the ground up. It’s not wise, effective nor sustainable to draw up a big-picture plan without first considering what is happening on the ground,” binigyang-diin niya. “The establishment of the DEPD and its Regional Offices will be vital in this regard.”

Tinalakay rin ni Zubiri ang mga pangamba tungkol sa gastos ng reorganisasyon, kung saan ay tiniyak niya sa publiko at mga stakeholder na minimal ang dagdag na gastos sa panukala.

“This measure is not creating a new agency. It simply reorganizes the NEDA and institutionalizes its expanded powers and functions,” paliwanag niya. “The reorganization is only expected to require a minimal addition of 170 new positions, amounting to P116 million.”

Sa pinalawak na presensya ng DEPD sa mga rehiyon, magagawa nitong suriin ang mga panukalang proyekto, land use plans, at iba pang inisyatiba sa kaunlaran upang matiyak na naaayon ang mga ito sa pangkalahatang estratehiyang pang-ekonomiya ng bansa.

Binigyang-diin ni Zubiri na ang ganitong approach ay magtitiyak ng inclusive growth sa buong Pilipinas.

“We have to anchor our economic plans with the reality of our regions and our people. By grounding our strategies in what is happening locally, we can create a more effective and inclusive economic growth plan,” ani ng senador mula Bukidnon.

Ipinuwesto rin ni Zubiri ang DEPD bilang isang kritikal na institusyon para mapanatili ang kompetitibo ng bansa sa Southeast Asia, na mabilis na nagiging sentro ng pandaigdigang pamumuhunan.

“This is an opportune time for Southeast Asia, but we still have to fight for our seat at the table,” aniya. “This is why we need the DEPD to lead the way for our economic growth.”

Binanggit din ni Zubiri ang pangmatagalang benepisyo ng reorganisasyon, na itinuturing niyang magpapatatag sa economic planning at magtitiyak ng kontinwidad sa bawat administrasyon.

“This reorganization puts us on a stronger footing, enabling the Philippines to be a dynamic force in Southeast Asia,” aniya.