Derek nganga kina Andi at Philmar

Vinia Vivar Feb 14, 2025
138 Views

NR (no reaction) pa ang engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa maaanghang na pahayag ni Derek Ramsay tungkol sa kanila.

Marami ang nag-aabang ng kanilang sagot pero mukhang dedma sila dahil ang post ni Andi kahapon ay ang pagbisita ng kanyang lolo at lolang sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil sa Siargao kamakailan.

Makikita sa post ni Andi ang mga larawan ng kanyang grandparents na masayang nagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya.

Ayon sa aktres, masaya siya na finally ay nakarating na rin ang kanyang grannies sa Siargao matapos ang pitong taon niyang paninirahan sa isla.

“Not to overshare, but I was ecstatic that my grandparents finally got to come visit Siargao all the way from the States, after 7 years of me living here. With my sissy @stevieeigengirl and my city girl @ellie_ejercito, no less!” caption ni Andi.

Sa panayam ni Derek kay Ogie Diaz ay sinabi ng aktor na mali ang ginawa ni Andi sa friend nitong Swedish photographer na si Pernilla Sjoo na ipahiya ito sa social media.

“Hindi kita kaaway Andi. Hindi kita kaaway Philmar. Ang inaano ko lang, mali ‘yung ginawa niyo. Andi, you should have not posted it and said what you said. Philmar, you should have handled that in private.

“The problem you got a tattoo with Pern, that’s 80% your fault and for you not to have the balls to stand up and say ‘It’s all on me, I wronged my wife, I wronged my friend.’ Own it and maybe I will have some respect for you,” pahayag ni Derek bilang pagtatanggol kay Pernilla na friend din nila ng misis na si Ellen Adarna.

MARIS AT ANTHONY PROFESSIONAL NA LANG ANG RELASYON

Dalawang buwan matapos ang pinagpistahang “cheating controversy” okay naman daw ang working relationship nina Maris Racal at Anthony Jennings sa “Incognito.”

Ayon mismo kay Maris, sa set ay supportive naman sila sa isa’t isa.

“Right now sa set, we’ve been really supportive of each other when it comes to the scenes,” pahayag ng aktres sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN bago tumulak patungo sa Berlin, Germany.

“Like we see to it that we make the scenes as natural as possible still, like the scenes that we used to do in ‘Can’t Buy Me Love’. Like we still have that energy on set, focus kami sa work ngayon,” aniya pa.

Ayon pa sa aktres ay professional lang sila.

Natanong din kung wala ba siyang galit at saad niya, “Wala. Like I said, inner work. It’s really best to be in tune with your soul, your spirituality so that it reflects on the outside.”

Sa ngayon ay naka-focus siya sa spiritual aspect ng buhay niya.

“I feel like I am more in tuned with God now. Just be present wherever I am,” sey niya.

At the height of the controversy, mas pinili na lang niyang ibaling sa iba ang kanyang energy para makatulong sa kanyang pagbangon.

“Yes, nagbundok ako. I wrote songs. I did a lot of things that could help me with my mental health,” saad ng dalaga.

Samantala, kasalukuyang nasa Berlin na si Maris para dumalo sa Berlin International Film Festival kung saan kasali sa kumpetisyon ang kanyang pelikulang “Sunshine.”