Calendar
‘Designated survivor’ remark ni VP Sara ‘tasteless, reckless joke’— Young Guns
KINONDENA ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa pagtatalaga sa kaniyang sarili bilang ‘designated survivor’, kasunod ng kanyang pagkumpirma na hindi ito dadalo sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr.
Dismayado sina Isabela Rep. Inno Dy V, 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez, Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario, La Union Rep. Paolo Ortega V, Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon, and Zambales Rep. Jay Khonghun sa pahayag ng Pangalawang Pangulo na mistulang pagbabalewala umano sa kanyang posisyon at ang posibleng maging epekto ng kanyang mga sinabi.
Sinabi ni Dy na bilang mataas na opisyal ng gobyerno, ang mga pahayag ng Bise Presidente ay may malaking bigat at maaaring makaapekto sa pananaw ng publiko at sa pambansang katatagan ng bansa.
“The Vice President’s remarks about being the ‘designated survivor’ are both inappropriate and reckless,” ayon kay Dy, isang House Deputy Majority Leader. “Such rhetoric hints at scenarios that are alarming and baseless, sowing unnecessary fear among the public.”
Inihayag naman ni Gutierrez, na isang abogado, ang kanyang pagkadismaya sa ginawang pagbibiro ng Pangalawang Pangulo, na aniya’y ang ganitong pahayag ay hindi naangkop para sa kanyang posisyon at makakasira sa isang makasaysayan at pambansang pagdiriwang.
“While obviously intended as a joke, it is quite inappropriate. The SONA is a serious event where we address the nation’s most pressing issues, and such comments taken out of context undermine its significance and fuel speculation,” ayon kay Gutierrez.
Sinabi naman ni Almario, ang vice chairman ng House Committee on Mindanao Affairs, na mapanganib ang sinabi ng Bise Presidente, at binigyan-diin ang kahalagahan ng pagpili ng mga naakmang salita, lalo’t higit sa mga lider na katulad niya sa pagbibigay ng pahayag.
“Her comments are unnecessary. As the Vice President, it is assumed that every statement she makes carries significant weight and results from careful consideration. When she makes such remarks, it prompts us to ask: What message is she trying to convey? Is she attempting to influence public opinion, divert attention from critical issues, or create controversy? As a high-ranking official, her words should foster unity and provide clear, constructive direction for the nation,” ayon kay Almario.
Tinukoy naman ni Assistant Majority Leader Rep. Ortega, ang negatibong epekto ng naging pahayag ng Pangalawang Pangulo at binigyang-diin na ang mga ganitong uri ng pahayag ay maaaring makasira sa tiwala at pagkakaisa ng mamamayan.
“The Vice President’s absence from the SONA, framed in such a dramatic and fear-inducing manner, does a disservice to the spirit of public service and solidarity. It’s imperative that our leaders demonstrate resolve and composure, especially during national events,” ayon kay Ortega.
Sa panig naman ni Adiong, chairman of the Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation, sinabi nito na ang mga lider ay dapat maging maingat sa kanilang mga salita at kilos, lalo na kapag tinatalakay ang mga mahahalagang isyu na nakakaapekto sa kaligtasan at katatagan ng bansa.
“Jokes about national security and succession are no laughing matter. The Vice President should be setting an example of leadership and responsibility, not creating unnecessary panic,” dagdag pa ni Adiong.
Hinikayat naman ni Bongalon, na isa ring abogado, ang mga pinuno ng bansa na pagtuunan ang sama-samang pag-unlad ng bansa sa halip na gumawa ng eksena.
“Our focus should be on the collective efforts to move the country forward, not on distracting theatrics. The Filipino people deserve better from their leaders,” paliwanag ni Bongalon.
Binigyan-diin naman ni Khonghun, chairman of the House Committee on Bases Conversion, ang kahalagahan ng pagkakaisa sa SONA. Aniya, ang taunang pagtitipon na ito ay mahalagang pagkakataon para sa lahat ng sangay ng pamahalaan na magsama-sama.
“The SONA is a pivotal event where we discuss the nation’s future. It’s not the time for jokes or to shirk our duties. We need to be there, united, to address the pressing issues our country faces,” ayon pa kay Khonghun.