Kotse ng photojournalist pinasabog sa harap ng bahay
Feb 22, 2025
Merlat tumatanggap ng minor role dahil may mga utang
Feb 22, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
DFA: 350 Pinoy nailikas sa Sudan
Cristina Lee Pisco
Apr 27, 2023
228
Views
NAILIKAS na mula sa Sudan ang 350 Pilipino, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, itinaas na rin ang Alert Level 3 status sa Sundan sa gitna ng patuloy na kaguluhan kung saan tinatayang 500 katao na ang nasawi.
Pitong bus umano ang sumundo sa mga Pilipino at ibiniyahe ang mga ito patungong Egypt, ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Eduardo de Vega.
Nauna rito ay 50 Pilipino ang nailikas ng DFA mula sa Sudan bukod pa sa 23 iba pa na tinulungan ng kanilang mga employer na lumikas.