Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Atty. Claire Castro. Inihayag ni Claire Castro ng PCO ang tagumpay na pag sagip sa mga OFWs sa Myanmar habang malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (kaliwa) si US Secretary of Defense Pete Hegseth.

DFA, DMW umagapay sa mga OFWs sa Myanmar

Jon-jon Reyes Mar 31, 2025
489 Views

PBBMNASAGIP ng gobyerno ang mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa human trafficking sa Myanmar, ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro.

Ang Department of Foreign Affairs ang nagpauwi sa may 178 na mga OFWs na Pilipinong nabiktima ng human trafficking katulong ang Department of Migrant Workers at iba pang ahensiya at embahada ng Pilipinas.

Nagpaalaala ang DFA na iwasan ang ilegal na pag alis ng bansa at dumaan lamang sa tamang deployment procedures.

Samantala, nag-courtesy call ang Defense Secretary ng Estados Unidos na si Pete Hegseth kay President Bongbong Marcos sa Palasyo para sa makabuluhang talakayan tungkol sa pagpapalakas ng ugnayang panseguridad ng Pilipinas at US.

Sa pulong, muling pinagtibay ni PBBM ang matagal na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.