Dialysis ng mga senior citizens pinamamadali ni Hontiveros

196 Views

KARAGDAGAN benepisyo ay dapat na umanong bigyan ng agaran aksyon ng Kongreso para sa mga Senior Citizens na lubhang nangangailangan ng regular na dialysis.

Ito ang binigyan diin ni Sen. Risa Hontiveros kahapon kung saan ay inilahad niya rin ang mga problemang kinakaharap ng karamihan sa mga matatandang Pilipino na umanoy wala ng pinagkukunan ng hanapbuhay o kaya naman ay napaliit ng tinatanggap na pensyon kada buwan na madalas ay kulang pa para sa kanilang pagkain.

Ayon kay Hontiveros, karagdagan sesyon ng dialysis na aabot ng 156 para ma kumpleto ang isang taun na gamutan ang kinakailangan ng mga ito.

Ang halaga umano ng bawat sesyon ng dialysis ay papatak ng hindi bababa sa P12,000 kada gamutan.

“Malaking pasasalamat sa PHILHEALTH sa pagtugon sa panawagan nating ipagpatuloy ang coverage ng 144 dialysis session ngayong taon. Malaking tulong ito sa ating mga kababayan. Patuloy nating ipapanawagan na gawin itong permanente at palawigin pa hanggang 156 session kada taon.” ani Hontiveros.

Malaking problema aniya pagkukunan ng mga ito lalo pa at wala na silang hanapbuhay at hindi na madalas kinakaya ng katawan ang anuman mabigat na trabaho.

“Apela rin nating huwag gawing annual back-and-forth exercise sa pagitan ng dialysis patients at PHILHEALTH ang usaping ito.” giit ni Hontiveros.

Base sa pag aaral ang Dialysis ay isa sa pinaka malaking hamon para sa mga matatandang may sakit na nangangailangan ng dialysis.

Based on the study, Dialysis remains to be one of the most emotionally and financially taxing causes of mortality among Filipinos.

” It is an important decision to make so that we are able to remain faithful to our mission of healthcare for all.” ani Hontiveros.

“Dapat magkaroon sina Lolo at Lola ng kapanatagan ng loob. This the time to make this into law. Marami sa kanila ang wala ng kakayahan para mag maintain ng ganitong uri ng medical treatment,” dagdag ni Hontiveros.