Calendar
DICT: Spam text nabawasan sa SIM Registration law
NABAWASAN ang mga spam messages matapos na ipatupad ang SIM Card Registration Act, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kasabay nito ay sinabi ni DICT spokesperson at Undersecretary Anna Mae Lamentillo na nasa 27.12% o 45,826,171 na ng 169,977,773 subscriber ang nakapagrehistro na ng kanilang SIM card.
Ayon kay Lamentillo made-deactivate ang mga hindi nakarehistrong SIM card matapos ang deadline at ang maiiwan na lamang ay ang mga numero na mayroong mga lehitimong may-ari.
Ang deadline ng pagrerehistro ay sa Abril 26.
Ang mga bibili naman ng mga bagong SIM card ay kailangang magsumite ng mga requirement.
Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC) mula sa 1,500 reklamong natatanggap nito kada araw kaugnay ng mga scam, bumaba na ito sa 100 kada araw.