Hangzhou

Didal 50-50 ang tsansa sa Asian Games

219 Views

HANGZHOU — Kumpiyansa si Margielyn Didal na maidededepensa ang medalyang ginto sa skateboarding women’s street sa magarbong binuksan Sabado ng gabi na pinakamalaking 19th Asian

Games 2023 sa Hangzhou Olympic Sports Center Stadium sa lungsod na ito ng Zhejiang Province, China.

Silang dalawa ni World Athletics men’s pole No. 2 vaulter EJ Obiena ang bumuhat sa bandila ng bansa sa pagrampa sa parada kasama ang ilang kapwa atleta at sports official sa pangunguna ni

Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

“As I said when I arrived here Wednesday, my goal is to make it to the finals. From there, I’ll try to get to the podium,” sey ng 24 na taong-gulang na Pinay skateboarder mula sa Cebu.

Silang dalawa ni Mazel Alegado ang mga kakasa sa street sa quadrennial continental sportsfest.

Samantalang sa men’s side papasiklab sina Renzo Mark Feliciano, Jericho Francisco Jr. At Motic Panugalinog.

Mga pinapadrinuhan ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee, nakatakda ang kompetisyon ng lima sa Sept. 25-27 sa Qiantang Roller Sports Centre.

Hinirit ni Didal malaking tulong ang Thailand training niya bago dumayo rito mula sa 11 buwang pahinga sanhi ng left ankle injury noong isang taon mula sa sinabakang Red Bull Skate Levels Tournament sa Brazil.

Kasapi din siya ng ‘PH Women’s Power Team’ na sumungkit ng apat na gold medal sa 2018 Jakarta-Palembang Asiad na kinabibilangan ni Yuka Saso sa golf individual at sa team kasama sina

Bianca Isabel Pagdanganan at Lois Kaye Go, at weightlifter Hidilyn Diaz.

Pinagpatuloy ni Didal ang angas sa karera nang mamamayagpag sa Game of Skeet at street ng 2019 PH Southeast Asian Games sa kasiyahan ng mga kababayan na nagpasigla sa kanyang sport.

Pumampito naman siya sa 2021 Tokyo Olympics bago nasaktan sa kaliwang bukong-bukong.