Diego

Diego na-realize di madali maging magulang

Aster A Amoyo Apr 25, 2024
161 Views

KALIWA’T kanan daw ang mga raket na tinatanggap ni Diego Loyzaga ngayon dahil pinaghahandaan niya ang unang kaarawan ng kanyang anak na si Hailey.

Sa press conference ng pelikula nila ni Coleen Garcia, ang Isang Gabi, nabanggit ni Diego na ito ang isa sa mga motivation niya ngayon para magpursigi sa trabaho.

“In the first week of May, I’m doing… I have five back-to-back rakets just to afford her birthday party.

“I’m not saying that I can’t afford it but, you know, money out is still money out.

“Pandagdag lang because hindi ko akalain na ang first birthday niya ay gagastos din pala ako na parang higit sa isang debut na pala!

“Ayun, I am doing everything in my power to be able to… I’ve said so much, e. I really promised so much. I can’t go back to my promises, so I want to be able to provide.

“Even though sinasabi ko na hindi naman niya maalaala yung first birthday niya, ang laging sinasabi ng nanay ng baby ko ay, ‘Pero tayo, maaalaala natin ito.’ So, wala akong takas!”

Ngayon daw ang nare-realize na ni Diego na hindi madali ang maging isang magulang. At isa na sa mga dapat harapin ay ang mga gastusin para sa kanilang anak.

Kaya naman, bukod sa mga acting gigs at iba pang raket, papasukin na rin ng aktor ang pagbi-business.

“If you ask me how inspired I am, this is our first choice of career, di ba? You guys, this is why you’re here today. Kami naman, showbiz.

“But I am starting to think about branching out already. I’m 29 next month. So, nagsimula na akong magnegosyo, which I never thought I would enter before.

“It doesn’t end, it keeps on going. Ang dami ko nang ibang mga ginagawa na sideline na trabaho.

“When Alexis [Suapengco] was still pregnant, I asked a friend of my brother, ‘Magkano ang gasto mo noong nagka-baby kayo?’ Sabi niya, ‘Bro, I’m still counting. It doesn’t end. It just keep on going.’ Roughly, I have a vague idea now. You know, it never ends.”

Kaugnay nito, naalala ni Diego ang mga magkakasunod niyang raket para kumita.

“I was asking Direk Mac [Alejandre, Isang Gabi director] backstage, ‘Guys, I fly in on this day from Japan and the next day, dapat mag-Cebu, the next day Bohol, and after that Mindanao. Gawin ko ba?’:

Sabi raw ni Direk Mac kay Diego, “Go, if the remuneration is worth the aggravation. You can do it, you’re young.'”

Patuloy ni Diego: “Makuwento ko lang, last weekend, we drove five hours sa Nueva Ecija, five hours to Pangasinan. From Pangasinan, I drove seven hours back to Caloocan, and that was all in… a little more than 24 hours. Twenty-one hours on the road pa lang, just to do three back-to-back rakets! So yes, I’m very motivated.”

Christian mas gusto ang may diploma kaysa madiskarte lang

PARA sa “My Guardian Alien” actor na si Christian Antolin, mas mabuti pa rin na magkaroon ng diploma at hindi lang basta madiskarte.

“Iba pa rin ‘yung may tinapos ka. Kasi ‘pag may diploma ka, puwede kang mapunta kahit saan and puwede kang dumiskarte kahit may diploma,” paliwanag pa niya.

Ginawa ang tanong dahil sa mainit na diskusyon ng netizens kung ano sa dalawa (diploma o diskarte) ang mahalaga.

“Ang diskarte kasi, let’s say wala kang diploma tapos dumidiskarte ka lang, ang hirap no’n kasi minsan may mga trabaho na nagre-require ng ganitong specific skills,” paliwanag ni Christian na isa ring content creator.

Ayon pa kay Christian, may mga trabaho o proyekto na limitado.

“I would suggest na mag-aral muna tayo. Siguro gawin lang natin ‘yung ‘pag gusto mong maging content creator, gawin mo lang siya on the side.”

Ginagampanan ni Christian sa “My Guardian Alien” ang isa sa mga manggagawa sa pamilya ng mga karakter nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

Kasama rin dito sina Max Collins, Gabby Eigenmann, Kiray Celis, Marissa Delgado, Arnold Teves, Caitlyn Stave, at Josh Ford.

Anjo gustong sundan ang yapak ni Atom

DREAM come true para kay GMA weatherman-turned-TV heartthrob na si Anjo Pertierra nang maging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras.

Puwede na ngang sumunod si Anjo sa yapak ni Atom Araullo na isang award-winning documentarist na pang heartthob din ang image.

Mahilig daw talaga ang Unang Hirit host na manood ng docu-series ng iWitness, Reporters Notebook, Brigada, at ng 24 Oras.

Kinuwento ni Anjo ang pinaka-intense na istoryang ginawa niyang documentary sa 24 Oras ay tungkol sa climate change. Sa episode ay nagpunta pa si Anjo sa Tondo, Manila, kung saan maraming basura, mainit, at dikit-dikit ang mga bahay.

“Yung kinabubuhayan nila kung saan sila nakatira, pwede silang humingi ng ano e, maayos na buhay, pwede silang humingi ng materyal na bagay. Pero ang hiling ng bata, masayang pamilya lang.

Nakakaantig sobra, kaya parang simula nun, sobrang excited ako every time na gagawa ako ng story.”

Inamin din ni Anjo na naging challenge para sa kanya noong nag-uumpisa pa lang paghiwalayin ang emosyon mula sa istorya.

“Natutunan ko na i-filter ‘yung questions na kung personal ba, kung maaapakan ko ba ‘yung emotions that time, kailangan ko kasi i-protect ‘yun e. Kailangan i-protect ‘yung interviewees natin whenever we are asking questions na kailangan may limit tayo.”