Calendar
Diesel bababa, gas tataas sa Feb 4
TATAAS ng 70 sentimos kada litro sa gasolina at bababa naman ng P1.15 bawat litro sa diesel at 90 sentimos kada litro sa kerosene simula alas-6:01 ng umaga sa Feb. 4, ayon sa mga higanteng kumpanya ng petrolyo.
Sabay-sabay na nag-anunsyo ng dagdag presyo ng kanilang gasolina ang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, Seaoil Philippines, PTT Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, at Jetti Oil at Flying V.
Tanging ang Clean Fuel ang magsisimula ang price adjustment ng alas-8:01, ayon sa statement.
Ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, ibinatay ng Department of Energy (DOE) ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pagtaas ng imbentaryo ng langis ng Estados Unidos at posibleng pagpataw ng panibagong dagdag taripa sa langis na ikinakasa ni US President Donald Trump.