BBM1

Digitalization ng proseso makatutulong sa kampanya kontra smuggling

170 Views

MAKATUTULONG umano ang digitalization ng mga proseso ng gobyerno sa paglaban sa smuggling.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sususugan ng kanyang administrasyon ang digitalization ng mga transaksyon sa gobyerno na makatutulong ng malaki sa pag-unlad ng bansa.

Humirit ang Pangulo ng malawakang reporma sa burukrasya upang malabanan ang smuggling na nagpapahirap sa mga lokal na industriya at upang mapataas ang koleksyon ng gobyerno sa buwis.

Isa umano sa rekomendasyong tinitignan ang pagiging bukas ng database ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) para madaling mahuli ang smuggled goods.

Isang data-sharing agreement (DSA) ang nilagdaan ng dalawang ahensya.