Adiong Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong

Digong di tugma salita sa bank waiver

83 Views
Bitrics
Batangas Rep. Gerville Luistro

Para sa umano’y P2.4 bilyong deposito nito

CONSISTENT na inconsistent si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nalito ang mga kongresista sa magkakasalungat na pahayag ng dating pangulo sa isinagawang pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes noong Miyerkules, kung saan laban-bawi ito sa pagbibigay ng waiver upang mabuksan ang bank account nito na nagkaroon umano ng P2.4 bilyong deposito na iniuugnay sa bentahan ng iligal na droga.

Upang maging malinaw sa lahat, tinanong ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur ang dating pangulo kaugnay ng mga naging sagot nito sa pagtatanong ni Antipolo City Rep. Romeo Acop sa pagbibigay ng bank waiver.

“So, is it now the understanding of the committee that when the former President was asked by Chairman Acop that the President be willing to sign any waiver would that be safe to assume, Mr. Chair, that that would be ‘conditional’,” tanong ni Adiong.

Sinabi ni Adiong na ang pagkakaintindi nito sa naging sagot ni Duterte sa pagtatanong ni Acop ay magbibigay ito ng waiver.

Napansin din ni Rep. Gerville Luistro ng ikalawang distrito ng Batangas ang inconsistency sa mga pahayag ni Duterte na nanumpa na magsasabi ng totoo sa pagdinig.

“The President made his testimonies inconsistent. I don’t know why,” sabi ni Luistro, isang abogado, sa panayam sa telebisyon.

Noong una, sinabi ni Duterte na pipirma ito ng waiver kinabukasan (Nobyembre 14) nang una itong itanong ni Adiong.

“I’m willing to execute an affidavit, to summon the bank pursuant to my waiver. If there is an iota of truth, I will ask my daughter to resign and all members of my family. I will also hang myself in front of you,” deklara ni Duterte.

Pero pagkatapos ng ilang saglit ay dinugtungan nito ang sinabi na dapat kasabay niyang magbigti si dating Sen. Antonio Trillanes IV na siyang nagsiwalat ng umano’y P2.4 bilyon sa joint account nito at ni Vice President Sara Duterte.

“But Trillanes should also hang himself too,” hirit ni Duterte.

Iginiit rin ni Duterte na dapat sabihin sa kanya kung ano ang layunin ng paghingi ng bank waiver sa kanya dahil hindi naman siya iniimbestigahan.

“Please give me one purpose. Why should I produce it? My problem is that that bank account is joint with my wife. So, I cannot waive her right to secrecy. I myself has no problem with that. The problem is that it is a joint account,” giit ni Duterte.

“So, I have to ask my wife to appear here and to ask her if she is ready to waive the bank secrecy law,” sabi ng dating pangulo. “The problem is, what is the purpose of this investigation? Am I under investigation? Why are you asking for my bank accounts? What is my purpose here?”

“I don’t want you (congressmen) to make a suspicion. So, if not in public I’ll give you a copy, I’ll show you a copy on the condition that it sticks with you. The problem is that it is a joint account, at the back of my mind, how about my wife?” dagdag pa nito.

“I’m sure you (lawmakers) have a wife and you have bank accounts. It’s always when you have a wife, it’s really a joint account — that is the Filipino way of doing it,” giit pa ng dating pangulo.

Sinabi naman ni Trillanes na batay sa mga dokumentong nakalap nito, ang ka-joint account ng dating pangulo ay ang kanyang anak at hindi ang kanyang asawa.

“Just for the record, the joint account is between Duterte and VP Sara Duterte — not the wife. Those are the bank records that are in our custody,” sabi ng dating senador.

“Just like what I anticipated earlier, that he’s been saying he is willing to sign a waiver. At the same time, it’s always a bluff. Now, he’s saying he will slap me first before he signs the waiver. I will agree, provided he should first sign the bank waiver,” dagdag pa ni Trillanes.