Malaya

DILG nakipag-ugnayan sa Facebook para ipatanggal e-sabong

Jun I Legaspi May 30, 2022
244 Views

SUMULAT si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya sa Facebook at hiniling rito na i-block ang ilang page, group, at account na may kaugnayan sa e-sabong.

Sa kanyang sulat sa Meta, ang parent organization ng Facebook, nanawagan si Malaya rito na otomatikong i-ban sa Facebook platform at mga affiliate at subsidiary nito ang mga account na may kaugnayan sa e-sabong.

Nakalakip sa sulat ni Malaya ang pitong Facebook pages, groups at accounts na natukoy ng PNP Anti-Cyber Crime Group na nagpapataya o umeenganyo sa publiko na mag-e-sabong.

“We hope that Facebook will immediately suspend or block pages devoted to illegal sabong as fast as they suspend pages that allegedly violate their community standards. I presume that engaging in illegal activities is a violation of FB’s standards,” sabi ni Malaya.