Calendar
DILG umaming hirap matukoy mga prank callers
AABOT sa 60% sa mga tumatawag sa 911 emergency hotline ay mga prank calls lamang.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, hindi kasi integrated ang national ID system sa mga telephone company kaya hirap ang kanilang hanay na matukoy kung sino ang mga nangloloko lamang sa tawag.
Sinabi pa ni Remulla na hindi rin naging epektibo ang SIM Card Registration Act dahil hindi nakalakip ang national ID.
Dahil dito, sinabi ni Remulla na lalo pang pabibilisin ng kanilang hanay ang pagresponde sa mga tawag sa 911.
“Kung makuha namin lahat ng vehicles within three minutes, lalo na sa Metro Manila makaka-respond kaagad. Ang problema lang, as per experience sa lahat ng 911 centers dito sa Pilipinas, 60% ng tawag ay prank. So, ang unang responder diyan ay magiging motorsiklo muna o barangay para tingnan kung may emergency talaga or we’ll ask them to go on video kung mayroon silang video streaming para makita talaga kung anong nangyayari,” pahayag ni Remulla.
“Ang problema kasi, hindi pa integrated ang national ID system sa mga telco natin. So, kaya nag-proliferate ang mga POGO dahil iyong SIM Card Registration Act na ginawa natin na hindi naging masyadong effective kasi walang National ID na attached. So, minsan ang isang tao, isandaan ang SIM card niya na nabibili. So, that has to be integrated also,” dagdag ni Remulla.