Romero1

Direktiba, program ani PBBM para sa agri sector pinuri ng House Committee on Poverty Alleviation

Mar Rodriguez Dec 5, 2023
182 Views

PINURI ng House Committee on Poverty Alleviation ang naging direktiba at programa ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para sa sektor ng agrikultura na nag-resulta sa pagbaba ng bilang ng pamilyang nakakaranas ng matinding gutom at kahirapan.

Sinabi ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., Chairman ng Committee on Poverty Alleviation, na ipinahayag mismo ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) na batay sa datos ng OCTA Research. Mahigit 1.3 million pamilya ang nakaraos sa gutom.

Bukod dito, nabatid kay Romero na umangat din mula sa kahirapan ang nasa 1 milyong pamilya na isang pagpapatunay na epektibo ang ipinatupad na direktiba at programa ng Pangulong Marcos, Jr. para sa agricultural sector kabilang na dito ang mga hakbang para kontrahin ang rice hoarding.

Binigyang diin ni Romero na kabilang sa direktiba at programa ng Pangulo ay ang paglulunsad ng mga hakbang upang sawatain ang talamak na rice hoarding, ang pagtanggal sa “pass-through fees”, pagpapalakas sa produksiyon ng mga Pilipinong magsasaka at pagbebenta sa NFA ng mga murang bigas.

Ipinaliwanag din ng kongresista na nakatulong din ang mga inilunsad na ayuda ng pamahalaan para naman sa mga namamasada o Public Utility Vehicle (PUV) o mga pampublikong drivers. Bukod pa dito ang pagbuhos ng production support para sa mga magsasaka tulad ng abono at binhi.

Ikinagalak din Romero na sa kabila ng naranasang krisis ng bansa kabilang na dito ang oil price increase. Tumaas naman ng 5.9% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas at bumagsak naman sa 4.9% ang inflation rate.

Ayon kay Romero, bumalik na din ang tiwala ng mga negosyante at foreign investors na nahikayat maglagak ng puhunan o kapital sa Pilipinas bunsod ng ta,ang polisiya at dreksiyong tinatahak ng administrasyong Marcos, Jr. sa pamamagitan ng determinasyon nito na mapabuti ang sektor ng agrikultura.