Secretary Vince Dizon

Dizon: Handa na ang gobyerno sa pasasa-ayos ng EDSA

27 Views

HANDA ang gobyerno sa pagsasa-ayos ng Edsa!”

Ito ang mariing pahayag ni Transportation Secretary Vince Dizon kaugnay ng nakatakdang rehabilitasyon ng EDSA sa Hunyo 13—isang proyektong inaasahang magdudulot ng matinding trapiko at tatagal hanggang 2027 ngunit pinaniniwalaan din na magdadala ng maraming benepisyo sa taumbayan pag natapos ito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, inilahad ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga hakbang upang mapagaan ang epekto ng proyekto.

Kabilang sa mga ito ang panukalang gawing pansamantalang libre ang ilang bahagi ng Skyway Stage 3.

“Posibleng palawigin ang concession agreement ng gobyerno at ng San Miguel Corporation para sa pagpapatakbo ng Skyway Stage 3,” ayon kay Dizon. Sinabi rin niyang “in principle,” pumayag na ang SMC sa panukala.

Nagpasalamat si Dizon kay Ramon Ang ng SMC sa pagiging bukas sa kasunduan, na aniya ay malaking tulong sa publiko.

Kinumpirma rin ng kinatawan ng SMC na si Atty. Melissa Encanto-Tagarda na bukas sila sa extension basta’t patas ang mga kondisyon, dahil malaki ang naibuhos nilang puhunan.

Gayunman, nagpahayag ng pag-aalala si Sen. Raffy Tulfo tungkol sa posibleng pagsisikip ng Skyway: “Hindi ba delikado kung mapuno ng sasakyan ang Skyway Stage 3?”

Tiniyak ni Dizon na ligtas ang estruktura base sa pagsusuri ng mga engineer, ngunit inamin niyang posible ang trapiko sa mga entry at exit.

Bukod dito, plano rin ng DOTr na magdagdag ng 100–150 bus sa EDSA Busway at 2–3 tren sa MRT-3 upang mapataas ang kapasidad ng transportasyon.

Samanatala nag mungkahi rin si Tulfo na pag aralan ng maige ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ng MMDA.

Tanong ni Tulfo sa gitna ng pagdinig “What plans do you have for proper implementation so that you won’t be complained about again or no one will file a petition to stop it?”

Ipinunto ng senador na dapat maging makatuwiran ang pagpapatupad sa NCAP lalot maraming reklamo dito na napakamahal ito at hindi makatuwiran.

Sa mga karagdagang panukala naman sa Edsa, pinag-aaralan din ani Sec Dizon ang 24-oras na odd-even scheme (maliban tuwing Linggo), at pagbabawal sa mga trak at provincial buses mula 5:00 a.m. hanggang 10:00 p.m.

Binigyang-diin ng mga ahensyang sangkot ditobna ang maagang koordinasyon ang susi upang mapanatiling maayos ang trapiko habang isinasagawa ang konstruksyon ng makasaysayang EDSA na anila ay sadyang napapanahon na para kumpunihin at ayusin para sa benepisyo ng nakararami.