PRC

DLSU grad nanguna sa Chemical engineer licensure exam

291 Views

ISANG graduate ng De La Salle University ang nanguna sa Chemical engineer licensure examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nakakuha umano si Jerome Ignatius Tan Garces ng 89.30 porsyento.

Sa 1,036 na kumuha ng naturang pagsusulit ay 531 ang pumasa.

Pumangalawa naman si Oliver Roy Prayon Mañgosing ng Xavier University na nakakuha ng 88.30 porsyento at sinundan ni Caesar John Trinidad Alcoriza ng University of the Philippines Diliman na nakapagtala ng 87.80 porsyento.

Pang-apat naman si Michael Tan Castro ng UP-Diliman (86.30 porsyento), at nasa ikalimang puwesto si Joshua Therelli Sayos Cuesta ng UP-Diliman (85.70 porsyento).

Sumunod naman sina Bryce Victor Abello Dy ng University of San Carlos (85.10 porsyento), Denver Recayo Pascua ng University of Santo Tomas (84.50 porsyento), Chris Ann Llanera Avendaño ng UP-Los Baños (84.10 porsyento), Jan Carlos Japor Tinaja ng UP-Diliman (84.00 porsyento), at Angelo Joseph Munda Suzara ng UP-Dilinan (83.80 porsyento).