Ortega1

DML Ortega: Maganda naman ang payo ni Chiz

24 Views

HINDI minasama ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang payo sa kanya ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na “mag-aral pa” kaugnay sa proseso ng Senado.

Ayon kay Ortega ang pag-uusap sa publiko ng isyu ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay nakakatulong upang mapanatiling transparent at demokratiko ang proseso.

“Yung sakin naman po, hindi po ako prosecutor ha para klaro sa lahat, so siguro naman po ‘yung opinyon hindi mag-jeopardize ng case. Siguro ang point lang ni SP Chiz, kasi nga po ‘do ba ‘pag nililimit po na ‘yung mga prosecutors eh magbigay po ng komentaryo at magdagdag po outside of the hindi pa nangyayaring impeachment,” sabi ni Ortega sa isang pulong balitaan sa Kamara nitong Huwebes.

Kinilala ng mambabatas ang payo ni Escudero bilang isang constructive reminder at sumang-ayon na dapat paghandaan talaga ang nalalapit na impeachment trial.

“Maganda po ‘yung advice niya sa akin, maganda rin po ‘yung ‘payong kuya’ tawag doon. Kasi dapat po talaga mag-study pa more tayong lahat lalong-lalo na po dito sa mangyayaring impeachment trial,” ani Ortega.

Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos manawagan si Ortega na kung kayang magsagawa ng mga pagdinig ng Senado habang recess ay maaari na rin nitong simulant ang pagtalakay sa impeachment.

Nilinaw ng Senate President na magkaiba ang impeachment trial at motu proprio hearings at ang pagmamadali sa pag-usad ng una ay maaaring makasama sa kaso.

Para kay Ortega ang bukas na paguusap at diskusyon tungko lsa impeachment trial ay nakakatulong lalo na ang patuloy din ang pagsulpot ng iba’t ibang opiyong legal.

“Pero maganda po ‘yung advice niya sa akin, kasi tuloy-tuloy po ‘yung public discourse at nagiging abogado po lahat ng netizens natin, nagiging abogado po mga citizens natin. Pero sa side ko lang naman, ang pagboboses ng opinion is maganda para we’re keeping alive ‘yung practice po at tsaka kahalagahan ng free speech. Tsaka buhay po ‘yung topic ng impeachment sa ating lahat,” dagdag niya.

Sa inaasahang pagsisimula ng paglilitis sa Hunyo, sinabi ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na kailangan dumalo si VP Sara Duterte sa paglilitis ng Senado kung sisimulan na ito ilang buwan mula ngayon.

“You’re asking our personal opinion? I think so. I think she needs to be here. I think she needs to be in the country while the impeachment is ongoing,” sabi ni Adiong.

Sinagot din ni Ortega ang ginagawang paghahanda ang House prosecution panel. Bagamat hindi aniya siya kabilang sa grupo ay alam niyang mayroong mga pagpupulong ang stratehikong paguusap ang prosekuyson.

“As far as I know hindi ko alam ‘yung sa mock trial, pero ang alam ko meron silang short meeting pero hanggang doon lang talaga yung alam ko,” aniya.

Dagdag pa ni Adiong na bujod sa legal na paghahanda, pinapalakas din ng House prosecutors ang kanilang koordinasyon at teamwork sa isa’t isa.

“Idadagdag ko lang po, aside from the preparation, actually you have 11-man team dyan. So it’s also important para they can move as one, yung rapport at yung tinatawag natin chemistry, how they can not only consolidate the data and evidence that they have to provide but how can they also complement each other,” paliwanag ni Adiong.

Tumugon din si Ortega sa pahayag ni Escudero patungkol sa posisyon ni House Speaker Martin Romualdez kaugnay naman sa kahandaan ng Senado para sa pagliltis.

“Nakita ko yung press release from the Speaker na natuwa po siya sa commitment ng Senate dun sa nararating po na impeachment. Nung nakita ko po yun na nag-react po at saka sumagot po si Speaker Martin Romualdez, siguro ano lang, nakiliti lang ako ng konti at saka kinilig. Alam mo yun, na-excite ako,” pagbabahagi ni Ortega.

Mahalaga aniya ang positibo at maayos na ugnayan sa pagitan ng Kamara at Senado para magtagumpay ang impeachment trial.

“Siyempre ipapahayag din po natin yung opinion natin saka sentemyento. Kinilig lang ako ng konti na maganda po ‘yung ugnayan saka usapan po ng Senate saka House of Representatives. Yun lang naman po,” aniya.