Ortega House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V

DML Ortega umalma sa tangkang pagpapatalsik kay PBBM

17 Views

HINDI na nagpaliguy-ligoy si House Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V at tinuligsa ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na isa umanong “cheap and desperate publicity stunt” na walang puwang sa isang bansang umiiral ang demokrasya.

“I will personally protect the President from this baseless and malicious attack,” pahayag ni Ortega. “The so-called impeachment complaint is a mere political gimmick, designed to distract the public from the real work of nation-building under the leadership of President Marcos.”

Binigyang-diin ng mambabatas mula La Union na hindi pa man natatanggap nang pormal ng House of Representatives ang inihaing reklamo nina Ronald at Marie Cardema ay nauna na itong ipinakalat sa media.

“Wala pa ngang pormal na reklamo, ginamit na nila ito para magpasikat sa media,” ani Ortega. “This tells you everything you need to know—it’s not about justice, it’s about clout.”

Binigyang-diin pa ni Ortega na malaki na ang naging progreso ng administrasyong Marcos sa larangan ng pagbangon ng ekonomiya, pagpapaunlad ng imprastruktura, pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pagpapatupad ng mga programang panlipunan—mga tagumpay na dapat pangalagaan at hindi ibinubuwal ng mga pansariling interes at pampulitikang pakulo.

“In La Union and across the country, we see the results of good governance under PBBM. We will not allow attention-seekers to hijack the national agenda for their own selfish ambitions,” giit ni Ortega.

Bilang isang kilalang kaalyado ng Pangulo at isa sa mga umuusbong na lider sa Kongreso, nangako si Ortega na kanyang tututulan ang anumang tangkang pahinain o guluhin ang administrasyon gamit ang mga tinawag niyang “recycled tactics of hate and division.”

“We will not allow bad politics to destroy the good that we are building. The Filipino people deserve better,” pagtatapos ni Ortega.