Valeriano

DOF wala pang planong isulong “wealthy tax” pero….

Mar Rodriguez Aug 17, 2023
480 Views

IPINAHAYAG ni Department of Finance (DOF) Sec. Benjamin Diokno sa pagharap nito sa budget deliberations ng DOF sa Kongreso na wala pang plano ang ahensiya na isulong ang panukalang “luxury o wealth tax” para sa mga mayayaman o mga Pilipinong kung tawagin ay “rich and famous”.

Ganito man ang naging pahayag ni Diokno sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means para sa 2024 proposed national budget ng Finance Department. Subalit agad na sinabi ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano na mistulang may kinikilingan ang panukala ng DOF.

Binigyang diin ni Valeriano na ang pagpapataw ng buwis sa mga mahihirap, habang ang mga mayayaman naman ay ang binibigyan ng pribilehiyo o hindi pinapatawan ng tax ay dati na umanong umiiral kahit noon pang mga panahon na laganap ang pang-aalipin o slavery sa mundo.

Ipinaliwanag ni Valeriano na ang inihalimbawa niya ay kasalukuyan parin umiiral o nangyayari sa modernong panahon. Kung saan, ang mga mayayaman ay hindi masyadong nahihirapan sa pagbabayad ng buwis. Samantalang ang mga mahihirap ang siyang nagkakanda-kuba sa ipinapataw na tax ng pamahalaan.

Dahil dito, iginiit ni Valeriano na hindi na dapat pang pag-isipan ng Finance Department kung tama o hindi ang pagpapataw ng “luxury o wealthy” sa mga mayayaman. Sapagkat kung ang mga mahihirap na mamamayan ay nagagawan nilang buwisan ano pa kaya ang mga taong namumuhay sa karangyaan.

“They subsidize those below them and are taxed by businessmen in their purchases and by government, automatically deducted at work. The challenge to our supposedly wise executives is to find ways to reverse this case. To pass the burden to whom it is rather due– the wealthy in our society. Sila ang may kaya,” ayon kay Valeriano.

Binanggit ni Nueva Ecija Congresswoman Rosanna Vergara ang ilang “tax measures” na isinusulong ang economic team ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Subalit sinabi ni Vergara na “regretfully” ay pawang tatami umano ito sa mga tao ang nasabing tax measures.