Vergeiri

DOH hiniling sa Kongreso na palawigin COVID-19 Vaccination Program Act

224 Views

HINILING ng Department of Health (DOH) sa Kongreso na palawigin ang validity ng COVID-19 Vaccination Program Act.

Ayon sa DOH, mawawalan na ng bisa ang batas kaugnay ng pagbabakuna laban sa COVID-19 kung aalisin ang state of calamity.

Umapela si DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire sa Kongreso na amyendahan ang Republic Act (RA) 11525 upang maging tuloy-tuloy ang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Nakapaloob umano sa RA 11525 ang emergency use authorization ng COVID-19 vaccines, ang tax exemptions para sa tulong na natatanggap ng gobyerno sa paglaban sa naturang virus, ang emergency procurement at price control ng ilang bilihin.

Nakasaad sa Section 17 ng RA 11525 na ang naturang batas ay epekto habang ipinatutupad ang state of calamity na idineklara sa pamamagitan ng Proclamation No. 1021 na may petsang Setyembre 16, 2020.

Noong Setyembre 2021, pinalawig ng noon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID-19 state of calamity hanggang sa Setyembre 12, 2022.